John Lloyd Cruz says fans can anticipate project with Bea Alonzo this year

The actor says he still wants to do rom-coms.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

06/26/2015 08:06 PM
John Lloyd Cruz says fans can anticipate project with Bea Alonzo this year
062615-jlc_main.jpgMatagal ring nagpahinga ang aktor na si John Lloyd Cruz sa pag gawa ng mga romantic-comedy films at usap-usapan rin na siya ay pagod nang gumawa ng ganitong klaseng mga pelikula.

Itinanggi ito ng aktor sa report ng ABS-CBN News

“Actually, ang dami kong naririnig na ganyan, but it's a big misconception. Kasi I never stopped wanting to do rom-coms.

“Sino ang magsasawang ma-in love, hindi ba? Sino ang magsasawang magbigay ng kilig sa mga tao? Hindi naman nawala 'yon," dagdag pa niya.

Bukod sa pag gawa ng mga rom-com films, binaggit rin ni John Lloyd na kailangan rin naman niyang umalis sa kanyang comfort zone at mag try ng ibang roles.

“Siyempre, parang to survive you can't keep doing the same thing. It's part of survival,” sabi niya.

Ibinunyag naman ni John Lloyd na posibleng magbalik tambalan sila ni Bea Alonzo para sa isang pelikula.

“Mayroon kaming gustong gawin ni Tita Malou (Santos ng Star Cinema). Mayroon silang istorya ni Ma'am Charo (Santos-Concio) at gusto nila ako ang gumawa. Kung matutuloy 'yon at kung matutuloy according to plan ang naka-lineup, I'm going to do a movie with Bea this year, pagkatapos noon, kung matutuloy ang plano ay babalik ako, magti-TV ako para sa planong sinasabi ko,” sabi niya.

Ngayong Sabado naman, magbabalik tambalan sila ng kanyang Tabing Ilog leading lady na si Kaye Abad sa Maalaala Mo Kaya. Mapapanood ito bukas, June 27 at nakatakda namang gumawa pa ng 3 episodes si John Lloyd para longest running drama anthology.