• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo and Piolo Pascual have a lot of respect for each other.

Sarah Geronimo and Piolo Pascual describe their working experience in ‘The Breakup Playlist’

Sarah Geronimo and Piolo Pascual have a lot of respect for each other.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/25/2015 08:03 PM
Sarah Geronimo and Piolo Pascual describe their working experience in ‘The Breakup Playlist’
062515-sarahpiolo_main.jpgHumarap na sa entertainment press sina Sarah Geronimo at Piolo Pascual para sa presscon ng The Breakup Playlist na showing na sa July 1. Sa tanong kay Sarah kung ano ang pakiramdam niya na nakatrabaho si Piolo, ang sagot niya, sobrang na-challenge daw siya.

“Very challenging, hindi lang ‘yung pagtitig ko sa mga mata ni Piolo Pascual, pero very challenging din to play the role of the girlfriend ng isang Piolo Pascual sa pelikula,” pahayag pa niya.

“Kasi mature role na po itong ginagampanan ko, mature na ‘yung klase ng love story na meron kami, so naging challenging siya sa akin. Pero tuwang-tuwa naman ang puso ko,” patuloy pa niya.

Ayon naman kay Piolo, malaking karangalan din na makatrabaho sa pelikula si Sarah.

“Magkasama kami ni Sarah sa ASAP for more than 10 years now pero first time ko siyang makasama nang almost everyday sa syuting and she has earned my respect and admiration because mahal niya ‘yung trabaho niya, mahal niya ‘yung ginagawa niya. So ang sarap lang po ‘pag may katrabaho ka na alam mong you’re on the same page when it comes to making everything work especially for this movie na mahirap po talaga siya. Pero we both got excited kasi first time naming ginawa itong ganitong klaseng kahirap na role.

“But I guess, the most important thing there was that we were up for the challenge and ‘yun nga, it’s also a dream come true for me to be able to work with Sarah kasi alam kong isa siya talaga sa hindi lang pinakamagaling kungdi kumbaga, talagang masasabi nating she’s always on top of her game kaya ang sarap niyang kaeksena.

“Ang sarap niyang katrabaho and marami pa kasi siyang puwedeng ibigay kaya ‘yun, it’s a privilege na mabigyan ako ng chance to work with her,” dire-diretsong pahayag ng actor.
062515-sarahpiolo_main.jpgHalatang kilig na kilig naman si Sarah kapag nagpag-uusapan ang tungkol sa kagwapuhan ng leading man.

“Una sa lahat, mas guwapo talaga siya, guwapo na sa TV, talagang iba pa rin ang gwapo nya sa personal,” pagde-describe pa ni Sarah.

“Nakakatuwa lang po na lahat ng kababaihan sa set ‘hay, si Papa P, nakasalubong ko siya, nakasando, hayyy, si Papa P!’ as in lahat ng kababaihan po sa set, lagi silang may mga compliments kay Piolo Pascual.

“Sa ugali niya, talagang hats off ako... yung professionalism niya. Talagang napakaseryoso niya sa trabaho pero he also knows how to have fun,” dagdag pa ng singer-actress.

Panay naman daw ang kanta ni Sarah habang nagsusyuting sila ng The Breakup Playlist.

“And ayun, alam naman nating lahat na mabungisngis siya, mahilig siyang tumawa. But what I can say about Sarah is talagang she’s really simple. Napakabait na bata, napakabait na kasama sa trabaho and she loves what she does. She has respect for the craft as well and marami pa siyang pwedeng ibigay,” dialogue naman ni Piolo.