• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Joel Lamangan says he is not planning to retire even after his cerebellum attack.

Joel Lamangan talks about his cerebellum attack

Director Joel Lamangan says he is not planning to retire even after his cerebellum attack.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/25/2015 11:26 AM
Joel Lamangan talks about his cerebellum attack
062515-joel_inquirer.jpg“I am not retiring! Hindi ako magre-retire sa pagdidirek!” Ito ang paglilinaw ng batikang director na si Joel Lamangan patungkol sa ilang mga nasulat na pagkatapos niyang atakehin kamakailan lang ay hihinto na siya sa paggawa ng pelikula.

“Mali ang balita, hindi ako magre-retire no? Ang daming offer, babalik pa ako sa Sugo, may gagawin pa ako sa TV, may special soap pa, tapos ngayon magdidirek pa ako nitong Sekyu ni Allen Dizon, so paano ako magre-retire? Sayang ang datung, ang laki ng nagastos ko sa ospital,” natatawang pahayag pa ng magaling na director.

Ayon pa sa kanya, hindi naman heart attack ang nangyari.

“Inatake ako pero hindi naman tumabingi ang mukha ko, hindi rin akonaparalisa. Pag tingin ko sa salamin, maganda pa rin ako, hindi ako nakaganun (nakangiwi).

“Ang inatake sa akin ay yung cerebellum. Yung cerebellum ang nagkokontrol sa ating balanse. Nawalan ako ng balanse. Hindi ako nakakatayo. Sabi ng doctor, ‘Ay naku, it will take time.’ Tapos baka isang taon daw bago bumalik yung pagbalanse ko.

“Sabi ko, ‘Ay hindi, ayoko!’ Naging definite ako na kailangan kong tumayo kasi ayokong pinaliliguan, ayoko ng dinadala sa banyo, ayoko ng ganun. So sinabi ko sa sarili ko na ‘hindi, after four days, tatayo ako,’ kaya yon, after four days, tumayo na ako,” kuwento pa niya.

 Two weeks na-confine sa hospital si Direk Joel and he’s very okay now.

“Nagbawas ako ng pagkain, konting kanin na lang. Lahat ng maalat at matamis ay bawal na rin sa akin. Ang timbang ko dati is 210 lbs, ngayon 180 lbs. na lang ako. Pumayat na ako,” sabi pa niya.

“Kumakain pa rin naman ako, pero in moderation. Mamamatay naman ako ‘pag hindi ako kumain, ‘di ba? So, kain-kain din ‘pag may time, pero konti lang,” dagdag pa niya.

Iwas stress na rin daw siya ngayon.

“Nu’ng papunta ako dito sa storycon ng Sekyu, sobrang nai-stress ako kasi hindi ko naman alam na maraming saradong daan dito sa Mandaluyong. Nagagalit ako sa driver ko, pero sabi ko na lang sa sarili ko, ‘hoy, huwag kang magpa-stress, bawal!’ Pag inatake kasi ako dito, lalo akong mai-stress,” natatawa niyang kuwento.
 
Napakahirap din daw talagang magkasakit.
 
“Alam mo, na-realize ko talaga na pag mahirap ka tapos nagkasakit ka, mamamatay ka kaagad. Lalo na yung bading na mahihirap.
 
“Kaya lang, kahit anong naipon mo, mauubos din kapag inatake ka. Ang mahal magkasakit. Kaya nga kailangan ko na ulit magtrabaho para mag-ipon ulit,” sey pa niya.

Bida sa Sekyu ni Direk Joel si Allen Dizon, Sunshine Dizon at Gladys Reyes. Produced ito ng BG Productions at si Ricky Lee ang sumulat ng script.

Main photo credit to Inquirer.net