Pokwang and boyfriend Lee O ‘Brian reveal they have talked about settling down

Lee says Pokwang is wife material.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/24/2015 08:05 PM
Pokwang and boyfriend Lee O ‘Brian reveal they have talked about settling down
062415-pokwanglee_main.jpgKitang-kita sa mukha ni Pokwang ang saya na meron siyang bagong pag-ibig ngayon pagkatapos nang matagal na panahong walang lovelife. Idinisplay pa niya ang boyfriend na si Lee O’Brian sa “Open Kitchen: The Best Kept Recipes of the Stars” food bazaar sa UP Town Center habang sweet na sweet sila.

“Nilalanggam na ba kami? Ang sweet namin, ‘di ba? Ngayon na lang naman ako nagkaganito ulit, eh. Matagal akong loveless kaya pagbigyan n’yo na ako,” pasakalye agad ng komedyana.

Halata namang mahal na mahal din siya ng American actor dahil hindi ito umaalis sa kanyang tabi. “Eh, ganu’n talaga. Kapag umalis siya, siya ang mawawalan,” natatawang biro pa niya.

Isa si Pokwang sa participants sa Open Kitchen food bazaar at ang ipinagmamalaki niyang laing at suka ang mabibili sa kanyang food stall.

“Awa ng Diyos sold-out agad. Ewan ko ba, kalalapag lang tapos nag-unahan na agad sila,” pagmamalaki pa niya sa masarap na nilutong laing.

Dahil sa interes ng tao sa kanyang laing, may plano na ba siyang magtayo na ng restaurant?

“Kung laing lang ang ititinda ko, parang hindi naman mabubuhay yung restaurant. Ano yon, laing sa lunch, laing pa rin sa dinner? Parang teka muna, ’di ba?” tawa pa niya.

“Actually, next week, a-attend ako ng meeting sa mga friendship kong negosyante na maraming alam, hihingi tayo ng impormasyon and guidance sa kanila,” patuloy pa niya.

Proud din si Pokie sa sukang ibinibenta niya. “Yung suka ko naman in-experiment ko lang yan. Nilagyan ko ng kung anu-anong ingredients para sumarap. Nilagyan ko rin ng kung anu-anong kalandian,” natatawa ulit niyang pahayag.

Natikman na ba ni Lee ang kanyang laing?

“Hindi siya mahilig sa maanghang, eh. ‘Yun lang ang pinagkaiba namin.”

Eh, ano ang paborito ni Lee na niluluto niya?

“There’s so many,” si Lee na mismo ang sumagot. “Her adobos are amazing, binakol soup, squid sisig and then the stuffed squid.”

Is Pokie wife material?

“Without a doubt,” sagot ulit ni Lee. “There’s potential,” hirit pa niya.

May plano na ba silang mag-settle down?

“We are discussing plans, and I don’t know if we’ll finalize everything but we’re definitely interested in staying together,” pahayag ni Lee.

Kilig na kilig naman si Pokie habang nagsasalita ang kasintahan.

Ilan ba ang gusto nilang anak?

“Maybe 2. It depends,” sabi ulit ni Lee.

Bukod kay Pokwang ang iba pang celebrities na dumalo at nag-participate sa Open Kitchen ay ang mag-asawang Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos, Angeline Quinto, Maricar Reyes Poon, Vice Ganda, Priscilla Meirelles, couple Aiza Seguerra and Liza Dino (Adobo in A Jar), Anthony Taberna (Tunying’s Bread Bakeshop), JC de Vera (The Burgery Burger Restaurant), Paul Jake Castillo (Yobob’s Lechon), Richard Yap (Luna J Restaurant) and Sam Milby (Third District Coffee Shop).