• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Vice sa mga Outstanding Manilans sa ika-444th anniversary ng lungsod.

Maynila pinarangalan si Vice Ganda

Isa si Vice sa mga Outstanding Manilans sa ika-444th anniversary ng lungsod.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

06/24/2015 08:03 PM
Maynila pinarangalan si Vice Ganda
062415-vice_main.jpgPinarangalan ang Kapamilya star na si Jose Marie Borja Viceral o mas kilala bilang Vice Ganda  bilang isa sa mga Ten Outstanding Manilans nang kanilang ipagdiwang ang ika 444th anibersaryo ng lungsod.

Bago sumabak sa show business, siya ay naging komedyante muna sa mga comedy bars sa Ermita. Kasalukuyang abala ang actor sa kanyang paparating na pelikula para sa Metro Manila Film Festival “Beauty and The Bestie” at sa pagho-host niya sa ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime.”

Kabilang sa mga pinarangalan ay sina William Teng, chairman ng Solar Entertainment; Robert S. Jaworski, dating senador at manlalaro ng PBA; Eufrocina A. Sulla, Senior Deputy City Prosecutor; Ca Carmelita Salandanan Manahan, Associate Justice of the Court of Appeals; Vincent Maniquiz Tañada, playwright, actor, director, producer; Mercedes S. Pascual, vendor at Arranque Market; Lorenzo B. Alconera, city electrician; Edgar A. Maranan, biotechnologist; and Robert Y. So, environmentalist.

Samantala, kay Mr. Henry Sy Sr. ng SM Group of Companies naman napunta ang Gawad Gat Andres Bonifacio Award.