• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai Cantiveros defends Maxene Magalona being linked to Edgar Allan Guzman.

YFSF girls reveal who they like to bully most among YFSF boys

Melai Cantiveros defends Maxene Magalona being linked to Edgar Allan Guzman.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/23/2015 08:25 AM
YFSF girls reveal who they like to bully most among YFSF boys
062315-yfsfgirls_main.jpgSa Gandang Gabi Vice, sinabi ng mga Your Face Sounds Familiar girls kung sino para sa kanila ang panalo ang performance noong Grand Finale. Para kay Jolina Magdangal at Karla Estrada panalo ang performance ni Jay-R. Kay Maxene Magalona naman ang binoto niya noon para manalo ay si Melai Cantiveros at Edgar Allan Guzman.

Naging close rin ang apat na girls ng YFSF dahil ayon sa kay Melai, “Binu-bully namin ang mga boys.” Kwento rin nila madalas nila i-bully si Tutti Caringal dahil “feeling pogi” ito. Mahilig daw si Tutti magpadala ng selfie sa group chat nila. 

Pinaka-close ni Jolina sa mga lalaki si Jay-R at si Maxene naman ay si EA. Nang tanungin kung bet ni Maxene si EA, sinabi ni Maxene na “mabait si EA at gusto ko siyang ka-trabaho.” Maganda rin daw ang relationship ni EA with his mom. Pero nang pilitin siya ni Vice Ganda na sagutin ang tanong sinabi ni Maxene na, “oo bet ko siya!”

Kung walang girlfriend si EA, sagutin kaya siya ni Maxene kung ligawan siya nito?

“Let’s just cross the bridge when we get there,” sagot ni Maxene. Depensa rin ni Melai kay Maxene, Presscon pa lang diumano ng YFSF ay inamin na ni EA na crush niya si Maxene. 

Kung wala namang asawa si Melai at pipili si Melai ng ka-love team sa YFSF, ang pipiliin niya ay si “Jericho Rosales.” Natawa si Melai na hindi pala niya malinaw narinig ang tanong. Basta ang gusto daw niya sa lalaki ay “matangos ang ilong.”

Kung may mga gusto pa silang gayahin mga icons, gagayahin ni Karla si Jennifer Hudson; si Maxene si Eminem; si Jolina si Cher uli at  si Melai ay si Pink.