Mark Bautista turns down Miss Saigon offer

The actor explains why he didn't accept the role of Thuy.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/23/2015 02:28 PM
Mark Bautista turns down Miss Saigon offer
062315-mark_main.jpgBahagi ngayon si Mark Bautista ng stage production ng Bituing Walang Ningning The Musical, na nasa second week na ngayon ng pagtatanghal sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila. 

Si Mark ang lead male role bilang Nico Escobar na pag aagawan ng character ni Lavinia Arguelles at Dorina Pineda.

Nagkaroon tayo ng chance na makausap si Mark backstage at naitanong natin sa kanya kung ano na ang update sa offer na kanya na maging bahagi ng West End production ng Miss Saigon para sa role na Thuy. Ayon kay Mark, hindi niya tinanggap ang offer kahit napakalaking oportunidad nito para sa kanyang career.

Weeks ago, nag post si Mark sa kanyang Instagram account ng email sa kanya ng producers ng Miss Saigon na inaalok siya to play the role of Thuy.

"Hindi ko po kakayanin ang daily performance, mataas po masyado ang mga kanta para sa akin and masisira po ang boses ko kapag ganun."

Naipaliwanag naman daw ni Mark ito ng maayos sa grupo ni Cameron Macintosh na producers ng Miss Saigon and alam naman niya na naintindihan nila ito. 

Mas pinili ni Mark sa ngayon ang pagganap sa local production at pasiglahin muli ang kanyang career bilang singer at concert performer.