• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuluy-tuloy ang magagandang nangyayari sa career ni Allen Dizon pagkatapos niyang maghakot ng seven Best Actor trophies para sa pelikulang Magkakabaung (The Coffin Maker)

Allen Dizon admits he is pressured being the most awarded indie actor

Tuluy-tuloy ang magagandang nangyayari sa career ni Allen Dizon pagkatapos niyang maghakot ng seven Best Actor trophies para sa pelikulang Magkakabaung (The Coffin Maker)

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/23/2015 01:26 PM
Allen Dizon admits he is pressured being the most awarded indie actor
062315-allen_main.jpgTuluy-tuloy ang magagandang nangyayari sa career ni Allen Dizon pagkatapos niyang maghakot ng seven Best Actor trophies para sa pelikulang Magkakabaung (The Coffin Maker). Kasama ang actor ngayon sa isang bagong soap opera ng ABS-CBN na sisimulan ang taping sa July 7.

Pagbibidahan ito ni Julia Montes at ang title ay Doble Kara pero hindi pa raw puwedeng i-reveal ang ibang detalye tungkol dito. “Saka na lang. Bawal pa, eh. Basta masaya ako na part ako ng isng malaking teleserye ng ABS-CBN at maganda ang role ko,” tsika pa niya.

Para kay Allen na malaki ang naitulong mga best actor awards na nakuha niya para mapansin siya ng ABS-CBN at aluking gumawa ng teleserye. Ayon pa sa kanya, ito raw ang maituturing niyang pinakamalaking project na gagawin niya sa TV.

“Siguro, dahil sa mga awards ko kaya nila ako napansin,” pabiro niyang pahayag. “Pero baka suwerte lang din siguro talaga, kasi pagkatapos kong manalo ng mga awards, sunud-sunod din yung mga dumarating na blessings,” dugtong pa niya.

“’Yung gagawin kong teleserye, biggest break ko yon bilang actor sa TV.  Eh, nung nagsimula akong mag-artista nung 1998 ang gusto ko lang naman ay kumita ng pera at gumawa ng pelikula. Hindi ko naman inakala na ganito yung mangyayari sa akin. Suwerte din, pero pinagtrabahuhan ko rin naman lahat ng ito,” sey pa niya.

Tanggap ba niya ang bagong tawag sa kanya na Indie King?

“Ah, ang alam ko talagang Indie King ay si Coco (Martin). Siya talaga yon, ‘di ba? Pero dahil nasa mainstream na siya ngayon at bihira ng mag-indie, puwede na rin siguro. Sige, ako na ang Indie King. Hahaha!” pabiro niyang pahayag na sinang-ayunan naman ng entertainment press na nag-iinterbyu sa kanya.

Bukod sa tawag na Indie King, si Allen din ang tinatawag na Grand Slam Best Actor at Most Awarded Actor. May pressure ba siyang nararamdaman tungkol dito?

“Matindi talaga ang pressure kasi dapat lahat ng gagawin ko ngayon ay okey. Hindi puwedeng papetiks-petiks lang kasi titingnan nila yung ginagawa ko. Dapat careful din ako para hindi nila sabihin na ‘Ano ba yan, yan ba yung nanalo ng maraming award tapos hindi naman pala marunong umarte.’ So, nakakatakot din kahit papaano,” paliwanag ni Allen.

Tatlong international best actor awards ang napanalunan ni Allen para sa Magkakabaung: sa 9th Harlem International Film Festival (New York), 3rd Hanoi International Film Festival (Vietnam) at sa 3rd Silk Road Film Festival (Dublin, Ireland).

Sa local award giving bodies ay nanalo naman siya sa MMFF New Wave Category, 13th Gawad Tanglaw, 17th Gawad Pasado at sa prestihiyosong Gawad Urian.

Natapos na rin ni Allen ang isa pang indie film na Iadya Mo Kami mula sa panulat ni Ricky Lee at sa direksyon ni Mel Chionglo. Sisimulan din niya ang Sekyu na ididirek naman ni Joel Lamangan.