• Home
  • Fresh Scoops
  • The actress says she first learned about the news through her children.

Sunshine Cruz reacts on Sandra Seifert’s rumored pregnancy

The actress says she first learned about the news through her children.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

06/23/2015 02:12 AM
Sunshine Cruz reacts on Sandra Seifert’s rumored pregnancy
062215-sunshine_main.jpgMatapos manahimik ng ilang buwan, nagsalita na ang aktres na si Sunshine Cruz tungkol sa isyung karelasyon at nabuntis ng estranged husband nitong si Cesar Montano ang dating beauty queen na si Sandra Seifert.

Sinabi naman ni Sunshine sa isang interview ng Pep.ph na nalaman lang niya ang balita dahil sa mga anak niya.

“Actually, una silang nakaalam kasi sa Instagram ng anak ko, may nag-post ng kuwento na ganun nga raw. Ang reaction lang ng mga anak ko, ‘Mom, we’re gonna have a sibling na naman ulit.’ So, parang ganun,” sabi niya.

Hindi man sigurado kung totoo ang kumakalat na balita, iginiit niyang hindi siya nagkulang sa pagpapa alala sa mga anak na ‘wag magtatanim ng galit.

"Ako naman, I’m always there to tell them na, 'Kung sino man ‘yan, kung ano man ‘yang lumabas, blessing ‘yan. At wala naman silang kasalanan sa kung anong nangyayari. Kasi hindi naman itong mga girls na ito (mga na nali-link kay Cesar), if ever kung totoo, ang naging cause ng separation namin ng tatay niyo. So, huwag kayong mag-ipon ng sama ng loob o ng tampo,’” kwento ng aktres.

Nang maitanong kung may karapatan pa ba siyang malaman ang totoo galing kay Cesar, sagot niya “No, wala na. I don’t think I deserve to know about him and vice versa."

"Basta ako, ang priority ko, ang focus ko, ang mga kids. Whatever ang buhay niya, I think everybody deserves to be happy. We’ve been separated for two years. Hindi man sa papel, kasi hindi pa naman legal na hiwalay kami, but I believe that everybody deserves to be happy. And if he’s happy, good for him," dagdag niya pa.

Main photo credit to ph.celebrity.yahoo.com