• Home
  • Fresh Scoops
  • The actress shares her experiences in the first trimester of her second pregnancy.

Judy Ann Santos reveals what her cravings are in second pregnancy

The actress shares her experiences in the first trimester of her second pregnancy.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/22/2015 02:01 AM
Judy Ann Santos reveals what her cravings are in second pregnancy
062015-juday_main.jpgFirst time na humarap sa media ni Judy Ann Santos nung isang araw sa launching ng kanyang Judy Ann's Kitchen cook book sa Makati matapos niyang mag announce sa kanyang social media account na buntis siya sa pangatlo nilang anak ni Ryan Agoncillo.

Excited na nag kuwento si Juday tungkol sa kanyang pagbubuntis.

"Antukin ako sobra yung parang gusto mo nakahiga ka na lang ayaw mo na bumangon parang ang tamad mo lang."

Wala daw particular food na napaglilihian si Juday pero may hinahanap siya palagi tuwing kakain.

"Basta mahilig ako sa malutong wala naman food in particular, pero kapag fried ang pagkain dapat malutong ganun yun lagi hanap ko ngayon."

Looking forward na rin ang mga anak ni Juday at Ryan sa bago nilang magiging kapatid. Si Yohan wish ang isang baby sister samantalang si Lucho naman ay baby brother ang gusto.

Nag-gain na ng timbang si Judy Ann at mas mahirap daw ang pregnancy na ito kaysa noong buntis siya kay Lucho.

"Noong time ni Lucho parang wala lang eh wala ako kakaiba narandaman pero ngayon medyo hirap ako. Nakaka-inis nga ang mga kasabayan ko magbuntis mga sexy pa rin. Sila Marian 'di ba parang wala lang samantalang ako buntis kung buntis ang itsura (laughs)."

Wish naman ng mga friends at nagmamahal kay Juday na maging malusog at safe ang kanyang pagbubuntis.