• Home
  • Fresh Scoops
  • Joross Gamboa says that he and his wife are expecting a baby bou

Joross Gamboa reveals his first-born will be a boy

Joross Gamboa says that he and his wife are expecting a baby bou

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/21/2015 09:53 AM
Joross Gamboa reveals his first-born will be a boy
062115-joross_main.jpgLimang buwang buntis na ang asawa ni Joross Gamboa na si Katz Saga at finally, magiging tatay na rin ang actor. During the presscon of his movie I Love You. Thank You ay ibinalita ni Joross na lalaki ang kanyang magiging anak.

“Baka late September or early October siya manganganak. Wala pa ngang pangalan sa baby, eh, hindi pa kami nakakaisip. Ang dami kong barkada na ang sama ng loob sa akin kasi sila, puro babae ang panganay nila tapos ako lalaki,” masaya niyang balita sa Push.com.ph.

Happy naman daw ang kanyang asawa na boy din ang magiging unang anak nila. “Kasi pag boy, maikakalat agad ang apilyedo. Meron nang tagapagmana. Hahaha!” sundot pa niya.
 
Eh, kumusta naman ba ang buhay may-asawa?

Masaya naman. Sobrang blessed ako and maraming pumapasok na blessings. Tapos okey naman ang takbo ng mga business naming ni Katz. Meron akong sariling brokerage at tinutulungan ako ng dad ko. Tapos may trucking din kami. Saka nag-i-invest kami ngayon sa Brunei, nagsu-supply ng mga call cards sa mga Pinoy do’n,” kuwento ni Joross.

Seryoso na rin daw ngayon si Joross sa kanyang buhay hindi katulad nu’ng binata pa siya. “Siyempre, kailangan eh para sa future. Pag may partner ka na kailangang mas seryoso. Saka siyempre, para na rin sa anak n’yo, sa pamilya n’yo, di ba?

Biniro namin si Joross na buti na lang at lalaki ang magiging panganay niya at hindi babae. Dahil kung nagkataon, posibleng maging pambayad utang lang ito.

“Buti nga hindi babae. Ha-ha-ha!” pabiro niyang tugon. “Pero kahit ano naman, babae o lalaki, wala namang problema sa akin... Sabi nga ni Maja (Salvador), naging mabait daw naman ako bago ako nagpakasal kaya lalaki ang magiging anak ko,” tawa pa niya.

Napapanood si Joross sa Bridges of Love at masaya siya na nabibigyan pa rin siya ng telesereye ng ABS-CBN.

“Hindi man bida pero importante pa rin sa akin na meron akong ginagawang teleserye. Pang-balanse ko yon, eh. Yung bukod sa famiy business, may time pa rin akong umarte,” sey pa niya.

Nagkaroon ng screening sa Thailand ang I Love You. Thank You ni Joross at matagumpay daw itong tinanggap doon ng Thai audience.

“Overwhelming yung feeling na na-appreciate nila yung pelikula namin. Sana dito rin sa atin, maging warm yung pagtanggap nila. Kasi sabi ko nga, hindi lang naman ito basta gay movie. Hindi ito bastos na ginawa lang para alam mo na... matino yung pelikula namin at kahit sinong nagmamahal at nabigo ay pupuwedeng maka-relate,” pagmamalaki pa niya.

May mga nagsasabing strong contender si Joross sa awards night New Filipino Cinema sa June 28 for his performance sa I Love You. Thank You pero hindi raw siya umaasa.

“Kung mananalo, okey na okey. Pero kung hindi naman, okey din lang. Hindi ako umaasa. Tama na yung na-appreciate nila yung acting ko,” katwiran pa ng actor.