• Home
  • Fresh Scoops
  • Former Star Magic talent William Thio admits he has been engaged twice but is now opting to remain single for life.

William Thio says he’s decided to stay single

Former Star Magic talent William Thio admits he has been engaged twice but is now opting to remain single for life.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/20/2015 09:34 AM
William Thio says he’s decided to stay single
062015-william_main.jpgGuwapo pa rin ang dating Close Up commercial model at Star Circle Batch 5 member na si William Thio kahit na 41 years old na siya ngayon. Si William ay ka-batch noon nina John Lloyd Cruz, Tanya Garcia, Baron Geisler at iba pa. After ng Star Circle ay bumalik ng Amerika si William para tapusin ang pag-aaral.
 
“When I left showbiz, nagtapos lang naman ako ng pag-aaral sa States no’n, eh. I took up Psychology and MassComm tapos tuwing summer, umuuwi din ako ng bansa and often times, nakakaraket din. Tapos nung nagkaroon ng emergency sa family namin, do’n na ako nag-decide na mag-stay na dito sa atin,” kuwento ni William.

Year 2006 nang i-pursue niya ang matagal nang pangarap na maging news reporter. “I started as a serious journalist when I got sa Channel 4 nung kinuha nila ako to host yung morning show nila na One Morning, and then from there naging reporter ako ng channel 9.
 
“Kasi my dream has always been in the news, eh, even before kaya lang, hindi umabot sa ganung direksyon. Naging field reporter ako ng channel 9, nung time na yon wala pa nga akong sweldo, allowance lang bale, mga 2008 yon. Tapos nag-reporter ako. Iilan lang naman yang English news network – RPN lang naman at ANC, at the end of 2008, ginawa na akong updater ng RPN, hourly updater. After channel 9, nag-Global News Network (GNN) na ako, they are actually the one that honed me to become an anchor sa primetime news. Now I’m with Why News ng UNTV37, additional news anchor ako do’n with Diego Castro and Gerry Alcantara,” dire-diretsong kuwento ni William.

Bukod sa pagiging English news anchor, isa ring contractor si William.

“Tatlo-tatlo ang trabaho ko eh. Kasi na-realize ko na kung isa lang ang trabaho mo you will not make it. Very, very difficult. I’m a contractor now, we renovate homes, build homes for other people. That is our family business,” pagmamalaki pa ni William.

Sa pagpapatuloy ng aming conversation ni William, naibahagi niya na twice siyang na-engage pero hindi raw nauuwi sa kasalan ang lahat.

“I only had four serious relationships in my life and I was engaged twice – one is when I was in college and the second one, nag-live-in kami for about maybe close to two years... Ang problema kasi sa akin is yung trabaho ko, kasi kung minsan I’ll come home late, siyempre kapag may partner ka na, meron ka ng ibang priority, eh. Iisipin mo yung well being nung tao, eh.

“Siyempre, in the beginning, willing kang mag-compromise. Eh, ang problema ko, after a little while, may tendency akong pumiglas, eh. When you’re still in that state of being in love, you’re willing to do anything, pero nag-iiba yon, eh. There is a difference kasi between being in love and kapag mahal mo na lang.

“Siyempre, pag mahal mo na lang, iba na yung zest, yung willing mo to work things out. Kapag you’re in love pa, kahit na magsinungaling yan, ‘oh sige, okey lang’ and it will works both ways,” ang tila may pinaghuhugutang pahayag ng binata.

Two years daw ang pinakamatagal niyang relasyon at pagkatapos ng trahedyang dumaan sa kanilang pamilya na ipina-off the record na lang niya, ay nag-decide na siyang maging single na lang at hindi na magpakasal.
 
“Yeah, it’s my choice na hindi na ma-inlove ulit. I’ve already closed it up kasi sa ngayon I kinda forgot what it likes to be in love,” seryoso niyang pahayag.
 
Wala rin daw trauma napinagdaanan si William sakanyang desisyon, basta okey na raw siya being single sa buong buhay niya.
 
Meanwhile, bukod nga pala sa Why News, host din si William ng Spotlight, a 30-minute feature on successful individuals airs every Thursday, 4:30 p.m. sa UNTV at sa Opinion Leaders With William Thio sa GNN naman tuwing weekend primetime.