Bading at isang aktres, friendship over?

BY
Ogie Diaz

FRESH SCOOPS

06/20/2015 11:29 PM
Bading at isang aktres, friendship over?
062015-ogie_blind.jpgNagtatatarang sa kanyang Facebook account ang isang kaibigang bading, dahil sa umano'y "di-makatarungang"  pambibintang sa kanya ng itinuring pa naman nitong kaibigan mula pa nu'ng araw.

Feeling ng bading, binalewala ng aktres ang kanyang friendship.  Siya pa raw ang sinisiraan nito kung kani-kanino.  "Juice ko, ang sakripisyo ko sa kanya," kwento pa ng bading, "Ang dami kong tiniis. Pinagtakpan ko siya sa mga kagagahan niya.

"Kapag gusto niyang humarot, ako pa ang bumibili ng condom niya.  Hindi ko na rin sinisingil ang utang ng kapatid niya, dahil nga magkaibigan kami, tapos, ako pa ang sinisiraan niya sa iba?"

Actually, ayaw nang sabihin ng bading ang talagang ipinagpuputok ng butse niya sa aktres na source ng kanyang high blood.

Pero feeling ko, magkakaayos din ang dalawang ito, dahil meron naman silang foundation, eh.  Kaso nga lang, kung ayaw na ng bading dahil sa "mas malalim" pang kasalanan ng aktres sa kanya aba eh magkakasolian nga sila ng kandila niyan at hindi na "sisters" ang kanilang turingan?