• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda - Coco Martin tandem a shoo in at this year's MMFF.

2015 Metro Manila Film Fest official entries announced

Vice Ganda - Coco Martin tandem a shoo in at this year's MMFF.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/20/2015 08:04 PM
2015 Metro Manila Film Fest official entries announced
062015-mmff_main.jpgInihayag na ni MMDA Chairman Francis Tolentino kasama ang mga producers at salection committee ng Metro Manila Film Festival ang walong official entries sa ika-41st MMFF at ito ang mga sunusunod:

Pasok ang first team up ni Vice Ganda at Coco Martin sa "Beauty and Bestie."
 
Action Fantasy naman na pinangungunahan nina Rayver Cruz at Ian Veneracion ang mapapanood sa "Death and Senses."

Bagets horror ang offering ng Regal Films sa "Haunted Mansion," bida ang tandem ni Janella Salvador at Marlo Mortel.

Wala pang cast pero pasok ang historical film na "Hermano Pule" ng Team Work at ididirek ni Gil Portes.

Kasama rin ang first tandem ni Herbert Bautista at Kris Aquino sa "Mr. and Mrs. Split."

Bagong combination naman ang hatid ng "Nilalang" starring Robin Padilla and Maria Ozawa.

Tagumpay din at nakapasok ang comedy tandem ni Vic Sotto at AiAi Delas Alas sa "Romcomin Mo Ako" na ididirek ni Jose Javier Reyes.

At ang "Walang Forever" na pagbibidahan ng tandem ni Jennylyn Mercado at JM de Guzman.

Naka reserve din ang mga pelikulang "Con Man" ni John Lloyd Cruz at "Lakambini" na pagbibidahan naman ni Lovi Poe, kung may magba backout o hindi makaka comply sa requirements ng festival.