• Home
  • Fresh Scoops
  • The teen actor says he wants to take up a course in college that is close to his heart.

Nash Aguas follows mom’s advice to seek higher education

The teen actor says he wants to take up a course in college that is close to his heart.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/02/2015 08:01 PM
Nash Aguas follows mom’s advice to seek higher education
060215-nash_main.jpgGrade 10 na sa kanyang home study school ngayong pasukan ang teen star na si Nash Aguas.

Si Nash inamin naman na medyo natigil siya sa kanyang pag-aaral dahil naging busy noon sa taping ng teleseryeng “Bagito.” Pero ngayon nagbabalik na at babawi sa kanyang mga na miss sa home school. 

"Actually nga dahil sobrang bilis ni Alexa (Ilacad) at nag ‘Bagito’ kami, ako araw-araw sa taping, ako yung medyo na late. Pero hindi naman ganun ka-late dahil medyo nahabol ko pa naman siya."

Tulad ng kanyang ka-love team na si Alexa, planong tapusin ni Nash ang kanyang pag-aaral at may plano na rin siyang course na pasukin pagdating ng college.

Malapit sa pag-aartista ang gustong kunin ni Nash sa kolehiyo. 

"Ako naman po Film ang gusto ko po kasi maging director. Kapag nagte-taping po kami, nagbibigay na rin po ako ng suggestions kay Direk Onat (Diaz ng Bagito) parang gusto ko na ituloy para ‘di masayang."

Kahit na busy si Nash career bilang artista at kumikita na, di nagkukulang sa pangaral ang kanyang mga magulang na bigyang halaga ang edukasyon. Ito daw ang laging bilin ng ina ni Nash sa kanya mula pa noon.

"Alam naman natin na since bata pa lang artista na ako. Lagi sinasabi sa akin ni Mommy na huwag papabayaan ang pag-aaral."

Habang naghihintay ng bagong project sa ABS-CBN ang NLex tandem, sasamantalahin daw nila ang pagkakataon na bigyang priority ang kanilang pag-aaral na magbibigay sa kanila ng magandang kinabukasan.