• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake said his girlfriend Sarah Grace Kelly has changed him for the better.

Jake Cuenca willing to drop everything for current girlfriend

Jake said his girlfriend Sarah Grace Kelly has changed him for the better.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/02/2015 11:45 AM
Jake Cuenca willing to drop everything for current girlfriend
060215-jake_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sinabi ni Pasion De Amor star na si Jake Cuenca  kung paano nakatulong sa kanya ng kanyang Irish American girlfriend na si Sarah Grace Kelly. “I became less serious, more spontaneous because of her.” Dagdag pa ni Jake, “If I had to drop everything for her I would.”

Kinwento muli ni Jake kung ano ang nangyari sa “alleged walk out” niya sa Gandang Gabi Vice. Nakita niya raw ang kanyang ex-girlfriend na si Chanel Thomas na nasa audience bilang Ms. Earth contestant at umatras siya dahil ayaw niya itong ma-on the spot sa GGV lalo na’t “moment niya ito.”

Naintindihan naman diumano ni Vice Ganda ang nangyari. Paliwanag ni Jake, “I texted Vice, he understood, we hugged it out.”

Masaya ring ibinalita ni Jake na nanalo si Chanel bilang Ms. Earth.

Walang pagsisisi si Jake sa ginawa niya dahil ani Jake, “I just did what a gentleman would do.” Hindi rin naman daw masama ang naging breakup nila ni Chanel.

Matapos ang Pasion de Amor babalik muli si Jake sa New York para mag-aral naman ng directing.