Bakit nga ba imbyerna si Aktres A kay Aktres B?

BY
Ogie Diaz

FRESH SCOOPS

06/02/2015 12:06 PM
Bakit nga ba imbyerna si Aktres A kay Aktres B?
060215-ogie_main.jpgAh, gano'n ba? Now I know kung bakit nagkaimbiyernahan ang dalawang aktres matapos mag-post sa Dubsmash entry sa Instagram si Aktres A na ginagaya ni Aktres B ang damit ni Aktres C.

Sa mga updated sa showbiz, di ba, nagtampo si Aktres B at nag-post naman ito sa kanyang twitter account ng "meaningful statement" na patungkol sa kabastusan daw ni Aktres A?

Ang sabi ng source kong bading na friend ni Aktres A, nagtampo kasi si Aktres A kay Aktres B, dahil ang alam niya ay magkaibigan sila, pero ni hindi man lang daw siya inimbitahan sa kasal o sa bridal shower nito, as in deadma lang daw.

Samantalang si Aktres C, minsan lang sila nagkita at nagkatsikahan, invited siya agad nito sa bridal shower nito. "Eh, kilala mo naman ang lola (Aktres B) mo, hindi niya ma-take na hindi man lang siya naalalang i-invite ng itinuturing pa naman niyang kaibigan as in totally deadma!" 

Well, pasasaan ba't pag nagsalubong ang dalawang yan eh magkaayos at pagtawanan na lang ang pangyayaring 'yan, di ba?

Teka. Kayo ba ay naniniwalang "saging lang ang may puso?"