• Home
  • Fresh Scoops
  • Aside from an advocacy film, Matteo Guidicelli is also working on his first album.

Matteo Guidicelli is excited about doing an advocacy action film

Aside from an advocacy film, Matteo Guidicelli is also working on his first album.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/19/2015 01:11 PM
Matteo Guidicelli is excited about doing an advocacy action film
061915-matteo_main.jpgBukod sa Dreamboys concert ni Matteo Gudicelli with JC de Vera and Daniel Matsunaga sa July 11 sa Music Museum, busy din ngayon ang aktor sa syuting ng kanyang first-ever action film.

“The title of this film is Tupang Ligaw, it’s very exciting dahil all the action sequences, all the training is coming from my side,” kuwento agad ni Matteo.

“I have a group of security consultants coming in and we have two American guys, one Pinoy guy, he’ll teach all the techniques, hand defensive techniques, all firearm techniques, and I’m very excited to show this dahil first time ‘to,” dagdag pa niya.

Ang premyadong komiks creator na si Rod Santiago na nakilala sa mga obrang Agua Bendita, The Sisters, Buhawi Jack, Mana Sa Ina, Ang Babaing Nawawala sa Sarili at Bad Boy ang direktor ng Tupang Ligaw ni Matteo.

Hindi ba siya nahihirapan na maidirek ng isang baguhang direktor?

“Hindi naman mahirap katrabaho si Direk Rod kasi may konek na rin naman kami kahit papaano dahil siya ang creator ng Agua Bendita series ko with Andi Eigenmann sa ABS. Okey naman siyang direktor.

“Kapag may mga eksena kami, he always asks kung okey ba ito, ganito, ganyan. Tapos we collaborate very much. Yung AD (assistant director) po niya, tumutulong din. He always gives insights, so bale tulungan lang po,” kuwento pa ni Matteo.

Ayon pa kay Matteo, isang advocacy film ang Tupang Ligaw na tatalakay tungkol sa responsableng paggamit ng baril na may lisensya bilang proteksyon sa sarili.

Samantala, aside from doing this movie, excited ding ibinalita ni Matteo na malapit nang lumabas ang kanyang first album sa Star Records.

“I’m really praying na by August ay ma-release ko na po yung album ko. Plano ko ring mag-focus konti sa music.

“Actually, four years na nga in the making tong album na ito, eh... all the planning and everything. And I just had a meeting with Star Records, sana tuluy-tuloy na ito and sana by this year, ma-release na namin,”

Hindi rin daw niya kinuhang guest si Sarah Geronimo sa kanyang first album. “Gusto ko ako muna. But we’ll see in the future, we’ll never know,” reaksyon pa niya.