• Home
  • Fresh Scoops
  • The showbiz reporter says being gay isn’t a hindrance to becoming a responsible father.

Jobert Sucaldito proud to be a gay father

The showbiz reporter says being gay isn’t a hindrance to becoming a responsible father.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

06/19/2015 08:02 PM
Jobert Sucaldito proud to be a gay father
061915-joebert_main.jpg“Sabi ko nga life begins at 40. Totoo ‘yon sa akin, it applies to me. He came to my life." Ito ang naging pahayag ng entertainment reporter na si Jobert Sucaldito sa ABS-CBN News. Nagsimulang magka-kulay ang buhay niya nung siya ay 40 dahil sa unang pagkakataon ay nahawakan niya ang kanyang anak na si Carlo, 14 na taon na ang nakalipas.

Kahit na lantad ang pagiging bakla nito ay naging responsable pa rin siyang ama sa anak.

"It's a beautiful experience and a big responsibility dahil may binubuhay kang kaluluwa from day one that he came to your life until the end of time. Taking care of a child, hands-on ka dapat. Ang sarap sarap and mahirap in some sense. Pero ang totality niya is very fulfilling,” ani Jobert.

“Sabi nga nila, the essence of a woman is to bear a child; sa ama naman is to provide for a child, to give him good life. Mapag-aral mo siya, maturuan ng tamang values at ‘yung dreams mo for him ay matupad."

Ayon kay Jobert, ang pagiging bakla ay hindi isang balakid para maging isang responsableng ama.

“He knows I'm gay, pero bale wala 'yon. Walang nakakabawas sa pagkatao,” sabi niya.

"For me, it's being a dad regardless if you are straight or gay, if you are rich or poor. It's about raising a child. It's about giving the child ‘yung kaukulang pagmamahal and pag-aaruga. Kung ang gay dad is a lesser of tunay na lalaki, of course not. It doesn't make me less or more of a man whether gay or not, for as long as you are a good parent, a good father. And being a good father is not just to provide; you have to look after him, grow with him," dagdag pa niya.

Si Carlo, na nasa Grade 9 na, ay di maitago ang pagiging proud nito sa ama. "Ayos po siya. Mabait po siyang kasama at mapagbigay. Itinuturo niya po sa akin palagi kung ano ang tama.

 "We are very close. Madalas din po kaming lumabas, nood sine, kain sa labas, out of town madalas.”

Para kay Carlo, na kay Jobert na raw lahat ng magagandang traits ng isang mabuting ama. Okay lang rin naman sa kanya na binubuhay siya ng isang magulang lamang.

“Nandiyan siya palagi kapag kailangan mo, hindi po mahirap, okay lang po," saad ni Carlo.

Para kay Carlo, walang masama kung ang kanyang tatay ay bakla. Hindi rin niya nakikita ang pagkakaiba ng isang straight o gay na ama basta sila ay responsable.

“Ayos lang kasi nakasanayan ko na din, normal na naman. Wala naman pong maling ginagawa,” tugon ni Carlo.

Dagdag naman ni Jobert, "Ang iniisip ko what is a father and what is his duty to a child at ‘yun ang ginagampanan ko, I bring him to the best school that I can. Kung may kailangan siya, I attend to it. Minsan 'di kami magtagpo sa oras pero kapag may pangangailangan siya, he tells me ahead of time and I will do my best to provide."

Mahalaga raw kay Jobert ang pagmamahalan nilang mag-ama sa isa’t-isa.

“He knows I'm gay but we don't talk about it because it's the love I have for him and his love for me, ‘yun ang mahalaga. We are family, just the two of us."

Nang maitanong kung ano naman ang kanyang tugon para sa mga taong hindi matanggap ang mga baklang ama, sinabi niyang, “I don't care, proud ako. I don't argue with them kung ang paniniwala nila ay ganoon pero ako I'm a good father. I may be a better father than you are. Walang umaapi sa akin at ‘di naman ako papayag na maapi ng kahit sino. I won't let anyone mock me because I'm a gay father. I'm proud to be a father to my son. Bihira na lang ang batang lalaki na ganyan, na maayos. Straight dad ka kung anak mo naman ay nag-a-adik o tambay. Ako, ang anak ko I tell him kapag mali siya at maguusap kami.”

Photo credit: ph.celebrity.yahoo.com