• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Joshua Garcia reveals reason he turned down ‘Pangako Sa ‘Yo’ role

EXCLUSIVE: Joshua Garcia reveals reason he turned down ‘Pangako Sa ‘Yo’ role

Joshua Garcia says he was supposed to be part of a love triangle with Kathniel in ‘Pangako Sa ‘Yo.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/19/2015 1:10 PM
EXCLUSIVE: Joshua Garcia reveals reason he turned down ‘Pangako Sa ‘Yo’ role


061915-joshua_main.jpgHindi natuloy ang pagpasok sana ni ex-Pinoy Big Brother teen housemate Joshua Garcia sa top-rated series ng ABS-CBN na Pangako Sa ‘Yo na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Dapat Joshua will play an important role sa Pangako Sa ‘Yo bilang ka-love triangle ng Kathniel pero dahil conflict sa schedule ng binata for his taping sa ongoing afternoon series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita kailangan niya i-turn down ang offer.

Nanghinayang ba siya na hindi siya napasama sa bagong cast ng Pangako Sa ‘Yo?
 
“Siyempre, kahit papaano, meron po talagang panghihinayang kasi Kathniel series yon, super sikat sila, at yung mapasama po do’n, napakalaking honor na no’n for me, pero hindi naman po natin kontrolado ang mga bagay-bagay eh,” simulang pahayag ni Joshua.

“Gusto ko po siyempreng maging part ng PSY pero MWF din po yung taping namin ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita tapos sa PSY ganun din po, MWF din po, kaya hindi talaga kakayanin ng schedule, conflict po kaya yon po,” rason pa ng binata.

Pero kung saka-sakali naman daw na nataon sa ibang araw ang taping ng PSY ay malamang na magawan niya ng paraan. “Kaya ko naman po yung walang pahinga, yung kahit TThS at MWF ay puro taping. Wala naman pong problema sa akin yon. Hehehe,” masaya niyang pahayag.
 
Malaking break sana kay Joshua na maging ka-love triangle ng pinakasikat na love team ng bansa at first time niyang mapapasama sa primetime series pero naniniwala siyang meron pa namang darating na magagandang offer sa kanya.
 
“Marami pa naman pong panahon. Marami pa rin pong magagandang projects na darating. Siguro, parang, hindi rin talaga para sa akin yung offer ng PSY. Kumbaga parang not meant to be. Hehehe. Saka I’m doing a series din naman po, at itong Nasaan Ka yung unang nagtiwala sa akin at nagbigay ng break kaya sobrang grateful ako sa trust na ‘yon,” paliwanag pa niya.
061915-joshua_main.jpgIdinagdag din ng binata na importante sa kanya ang loyalty at yon lang daw ang kanyang pinahalagahan. “Alam ko naman po na hindi rin ako pababayaan ng unit ni Ms. GMO (Ginny Ocampo), malaki po ang tiwala ko sa kanila and sa tingin ko po, tama rin lang ang naging desisyon ko,” sabi pa ulit ni Joshua.

Pinasalamatan naman ni Joshua ang lahat ng supporters at nanonood ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita sa patuloy na pagtaas ng ratings nito. “Sobrang salamat po talaga sa mga nanonood. Sana po ay patuloy pa rin nilang suportahan ang aming palabas,” masaya niyang pahayag.

Sa NKNKK ay ginagampanan ni Joshua ang karakter ni Joel Galvez na may gusto kay Jane Oineza at karibal ni Jerome Ponce. Masaya naman daw siya sa unang series niya sa ABS-CBN.

“Okey na okey naman po ang lahat. Hindi ko rin po ini-expect na after sa PBB, eh, mabibigyan agad ako ng show sa ABS. Hehehe,” reaksyon pa niya.

Pinasalamatan din ng binata ang pagkakasali niya bilang official housemate ng Pinoy Big Brother na ayon sa kanya ay nagbukas ng oportunidad sa showbiz.

“Sobrang laki din po ng utang na loob ko sa PBB. Thank you po sa PBB kasi kung hindi ako naging housemate, wala naman po lahat ng ito, wala rin po si Joel,” sey pa niya.

Samantala, kamakailan lang ay pumirma na rin ng kontrata si Joshua sa Star Cinema para sa pelikulang Bloody Crayons na pagsasamahan nila nina Jane Oineza at Manolo Pedrosa.