• Home
  • Fresh Scoops
  • The shadow play group says they are expanding to accommodate more performance requests.

Asia's Got Talent champ El Gamma Penumbra open to new members

The shadow play group says they are expanding to accommodate more performance requests.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/19/2015 08:04 PM
Asia's Got Talent champ El Gamma Penumbra open to new members
061915-elgamma_main.jpgKaliwa't kanan na ang personal appearances at guestings ng Asia's Got Talent Grand Champion na El Gamma Penumbra. Kagabi sa 35th year celebration ng Zesto ay sila ang naging main attraction kasama si Erik Santos. 

Most requested sa grupo na i-perform ang "Choose Philippines" kung saan ipinapakita ang ganda ng ating bansa, at pangalawa naman ang kanilang nakaka kilabot na performance ng "The Prayer."

Sa ating interview, nai-share ng grupo na dahil marami na ang kanilang invitations to perform sa iba't ibang lugar, naghahanap na sila ng bagong members para turuan at mapunuan ang lumalaking demand sa kanilang grupo.

"Sa ngayon po apat na ang bago naming members and bago sila isalang may workshop muna sila para alam na nila ang gagawin kapag actual na po."

Plano rin ng grupo na magtayo ng shadow performance school sa Tanauan, Batangas kung saan sila naka base. Ito daw ang kanilang paraan ng pag give back sa tagumpay na nakukuha nila sa ngayon.

Hindi pa nakukuha ng grupo ang kanilang premyo mula sa Asia's Got Talent pero constant naman daw ang updates at communication ng show sa kanila at sa status ng kanilang premyo.