• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagbabalik sa concert scene ang Asias Songbird na si Regine Velasquez sa Regine Series Mall Tour na sponsored ng kanyang PLDT Home endorsement.

Regine Velasquez remembers Mang Gerry on Father’s Day

Nagbabalik sa concert scene ang Asias Songbird na si Regine Velasquez sa Regine Series Mall Tour na sponsored ng kanyang PLDT Home endorsement.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/18/2015 08:01 PM
Regine Velasquez remembers Mang Gerry on Father’s Day
061815-regine_main.jpgNagbabalik sa concert scene ang Asias Songbird na si Regine Velasquez sa Regine Series Mall Tour na sponsored ng kanyang PLDT Home endorsement.

Aminado si Regine na namiss niya ang pagpe-perform ng live kayat special request niya sa kanyang endorsement na ito na magkaroon ng special bonding sa pagitan niya at ng kanyang fans para mapanood siya ng live sa ibat ibang lugar.

"Iba kasi talaga kapag kumakanta ka ng live sa labas ng studio at nakikita mo kaagad ang reaction ng mga nanonood sa iyo na natutuwa sila at nakiki-kanta sa mga songs mo."

Sinabi ni Regine na malaking bahagi ng kanyang career bilang singer ay dahil sa namayapa niyang ama na si Mang Gerry na nai-kuwento niya in between ng kanta dahil sa nalalapit na Fathers Day sa Linggo.

"Ito na iyung second fathers day na nasa heaven na siya so siguro kagaya last year dadalaw lang kami sa libingan niya. Last year kasi ganun ginawa namin nag picnic kami doon."

Pina-plano na rin daw ni Regine ang pagbubuo ng bago niyang studio album. Naalala ni Regine na ang Hulog ng Langit album niya na dedicated sa anak niyang si Nate ang huling album na narinig ni Mang Gerry.

Sa concert, pinalakpakan si Regine dahil muli niya ipinarinig ang kanyang hit sings gaya ng “Pangarap Ko Ibigin Ka,” “Kailangan Koy Ikaw,” “Ikaw,” at “Pangako Ikaw Lang.” Nasorpresa naman ang audience dahil kumanta rin si Regine ng current hits gaya ng “Chandelier,” “Rather Be,” at “Break Free.”

Sa mga gusto mapanood si Regine sa kanyang Regine Series Mall Tour, magaganap ito sa June 20 sa Robinsons Manila; July 4 sa Market Market; July 11 sa Glorietta at July 18 sa Trinoma.