• Home
  • Fresh Scoops
  • The beauty queen shares her good news at the opening of her restaurant in QC.

Shamcey Supsup, happy and nervous about her first baby

The beauty queen shares her good news at the opening of her restaurant in QC.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/17/2015 08:44 AM
Shamcey Supsup, happy and nervous about her first baby
061715-shamcey_main.jpgSa opening ng kanilang Pedro En Coy restaurant sa Fisher Mall sa QC kahapon, masayang ibinalita ng former Beauty Queen na si Shamcey Supsup na seven weeks na siyang buntis sa panganay nila ng asawa na si Lloyd Lee.

"We are very happy that it's on its way. Di pa lang halata, nakatago lang. Noong una ayaw pa namin kasi too early pa ang pregnancy and nakakatakot din inannounce."

Isang taon at kalahati ng kasal sina Shamcey at Lloyd at matagal na daw nila dasal na bigyan na sila ng baby kaya't magandang timing daw ang kanyang pagbubuntis. Pumayat si Shamcey ngayon at hirap daw siya sa pag adjust na may baby na sa kanyang tiyan pero excited dahil magiging mommy na siya.

"Pinaka delikado daw ang first trimester medyo kinakabahan nga ako sa ngayon pero kayang kaya ito. Nakaka-excite na may paparating na baby sa family."

Ngayon pa lang daw gusto na malaman ni Lloyd ang gender ng kanilang panganay dahil excited at ito daw ang unang apo ng both families ni Shamcey at Lloyd.

Excited at masaya rin para sa mag asawa ang mga kaibigan nila gaya nina Venus Raj, Ariella Arida at ang manager ni Shamcey na si Jonas Gafud.