Newly weds Toni Gonzaga and Paul Soriano leaving for their honeymoon today

Toni also reveals her baby plans.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/15/2015 08:24 PM
Newly weds Toni Gonzaga and Paul Soriano leaving for their honeymoon today
061515-tonipaul_main.jpgAalis ngayon June 15 ang bagong kasal na sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano para sa kanilang honeymoon.

Sa Amanpulo sa Palawan ang honeymoon ng dalawa na regalo sa kanila ng kanilang ninang Kris Aquino.

Matagal na daw itong regalo ni Kris na unang travel ng mag asawa ng sila lang dalawa at walang kasamang pamilya at walang involved na trabaho.

Mas pinili ni Toni na sa Pilipinas ang una nilang honeymoon destination dahil hindi pa rin daw sila napupunta ni Paul sa lugar na ito.

Sa ngayon naga-adjust si Toni sa bagong chapter ng buhay niya bilang misis.

"Nakaka-panibago. Naramdaman ko lang lahat ng paalis na ako ng bahay kasi sa 31 years ng buhay ko pamilya ko ang kasama ko. Masaya ako sa bagong chapter siyempre, pero may separation anxiety sa family, pero exciting kasi nagagawa ko na lahat ng gusto ko gawin."

Sa naganap na kasalan na napanood sa ABS-CBN noong nakaraang Sabado, marami ang nakapansin na emotional si Direk Paul na ipinaliwanag niya naman sa interview namin.

"Because you are so beautiful I couldn't contain it. Those were tears of joy it was just a combination of everything eight years and then finally," pahayag nito. 

Walang plano kung kailan sila magkaka baby, basta kung ibibigay daw ito kaagad sa kanila ay wala naman magiging problema. Kambal kaagad ang gusto maging anak ni Direk Paul samantalang si Toni ay kahit ano basta malusog ang baby.

Nai-share din ni Toni na two days bago ang kasalan ay ginawa na niya ang kanyang wedding vows at nag practice pa siya sa harap ng salamin kaya di na siya masyadong naiyak ng sinasabi na niya ito sa mismong wedding day nila ni Paul.