• Home
  • Fresh Scoops
  • The actress-host says she learned about Robin's new leading lady on Facebook.

Mariel Rodriguez reacts to Robin Padilla working with Maria Ozawa in upcoming film

The actress-host says she learned about Robin's new leading lady on Facebook.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/15/2015 01:45 PM
Mariel Rodriguez reacts to Robin Padilla working with Maria Ozawa in upcoming film
061515-mariel_main.jpgHindi pala alam ni Mariel Rodriguez na ang number one porno star sa Japan na si Maria Ozawa ang bagong makakapartner ng asawa niyang si Robin Padilla sa gagawin nitong pelikula.
 
“Ha?” reaksyon agad niya.   “No, actually, hindi ko siya talaga alam,”  paliwanag agad ni Mariel. “Hindi pa rin namin napag-usapan yon. nakita ko na lang sa Facebook,” sabi ulit niya.
 
Eh, anong reaksyon niya na makakatrabaho ito ni Robin?
 
“Hindi ko naman alam, eh, kung ano. Sa social media ko lang nalaman. Hindi naman namin napag-usapan ’yung ganu’n. I just knew he was going to do a movie. No. I didn’t ask him,”  paliwanag pa niya.
 
Wala namang nararamdamang takot ang TV host kahit pa makapareha ni Maria ang kanyang asawa sa pelikula.
 
“No, hindi ako natatakot kasi hindi naman siya gagawa ng porn, eh. Hindi rin naman siguro maganda na ganu’n ka mag-isip, 'di ba? Hindi tayo ganu’n (mag-isip),” paglilinaw niya.
 
Nakakaramdam pa ba siya ng selos kapag may ibang babaeng nail-link sa mister niya?
 
“I think we’re past that,” diretsang sagot ni Mariel.

So, ibig sabihin ay confident  na siya ’pag may ganung pagkakataon?
 
“Hindi maganda ’yung word na confident, eh. More like you’re at ease. You’re secured. Parang ’yung word na confident is too boastful,” paliwanag pa niya.
 
Alam din daw ni Robin ang mangyayari kapag nagtaksil ito sa kanya.
 
“Ay pag ganun, good bye na. ’Yun ang pinanghahawakan ko,” sabi pa niya.
 
Nasa Spain ngayon si Mariel kasama si Robin at ang mga anak nito. Sa July 23 pa ang uwi niya ng Pilipinas, pero si Robin, posible raw mag-stay pa ng matagal sa Spain.

Mainphoto credit to @marieltpadilla IG