• Home
  • Fresh Scoops
  • The actor reveals his parents are now civil towards each other.

Nicco Manalo admits he hasn't seen his father Jose Manalo for some time

The actor reveals his parents are now civil towards each other.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/15/2015 01:57 AM
Nicco Manalo admits he hasn't seen his father Jose Manalo for some time
061515-niccojose_main.jpgMay tine-tape na teleserye ngayon ang stage actor-comedian na si Nicco Manalo at masaya siyang finally magkakaroon na siya ng regular show sa ABS-CBN.
 
“First series ko po ito na parang regular kasi puro guesting lang yung dati, eh. Ewan ko lang kung puwede nang sabihin. He-he-he! Excited ako kasi parang ako yung comic relief sa show,” masaya niyang pahayag.
 
Natatandaan pa ni Nicco na ang series na Maria La Del Bario ang huli niyang nilabasan sa ABS-CBN. Ayon pa sa kanya,  matagal na siyang interesadong magtrabaho sa ABS-CBN pero hindi raw yon dahil nasa GMA-7 ang tatay niyang si Jose Manalo.
 
Hindi naman itinatwa ni Nicco na kahit papaano ay namana niya ang style ng pagko-comedy ng tatay niya. “More or less yung humor namin is pareho lang, medyo sarcastic, ganu’n.
 
“Siguro 20% yung namana ko sa kanya,the rest parang... yung iba kasi natutunan ko na rin  sa mga experiences ko sa theater.  Pero ako, I would like to think na kaya kung gawin lahat. Kasi kung anong pinapagawa sa akin I take it as a challenge, gagawin ko lang,” sey pa niya.
 
Nagkikita pa ba silang mag-ama at meron ba silang communication?
 
“We communicate naman, may communication kami pero we haven’t seen each other in a long time. Text lang, mas sa text. Siguro taon na rin na hindi kami nagkikita. Busy din kasi siya, nagtatrabaho din ako,” sagot niya.
 
“Saka mas nag-aalala ako sa mga kapatid ko. Mas sila ang iniintindi ko. And being the eldest, yung mga kapatid ko, kasama ng mom ko, so mas don ako lagi. Nado’n ung concern ko,” dagdag pa niya.
 
 “What I’m working on is kung paano maaayos, paano magkakasundo. Maaayos in a sense na okey naman sila ngayon, nagkakausap naman sila,” patuloy pa niya.
 
Aminado rin si Nicco na hindi na niya nakikitang magkakabalikan pa ang mga magulang niya.  Pero ayon sa kanya, “Yung sine-settle nila sa court, I think, naayos naman nila. Hindi rin naman ako masyadong nakikialam dun. Kumbaga, yung usapan nilang dalawa, sa kanilang dalawa lang yun,” pahayag pa ni Nicco.
 
Nicco, together with Emmanuelle Vera, are the lead stars of the movie Ang Kwento Nating Dalawa na kasali sa Filipino New Cinema section ng World Premieres Film Festival Philippines. Mapapanood ang pelikula sa SM Cinemas starting June 24 to July 7.