• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo joins Daniel on stage to sing Pangako Sa 'Yo theme.

Daniel Padilla gives his best concert performance in Most Wanted

Kathryn Bernardo joins Daniel on stage to sing Pangako Sa 'Yo theme.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/15/2015 01:54 AM
Daniel Padilla gives his best concert performance in Most Wanted
061315-danielp_main.jpgMataas ang energy at nasa mood ang Teen King na si Daniel Padilla para sa kanyang Most Wanted concert na naganap kagabi sa Mall of Asia Arena. Jam-packed ang venue na nakikanta kay Daniel sa kanyang opening song na "I Feel Good."

Gaya ng nabanggit ng Teen King sa press con ng Most Wanted, standard songs ang kakantahin niya na malapit sa kanyang puso kaya naman kita sa kanyang performance na at home si Daniel sa line up ng mga kanta.

Naging bisita sa concert at naki perform sina Gary Valenciano, KZ Tandingan, Kyla, Harana Boys, Morisette Amon at Kathryn Bernardo na nagkaroon ng special participation sa dulo ng concert kung saan kinanta nila ni Daniel ang Pangako Sa Yo theme song.

Kinilig ang kahat nang sunduin ni Daniel mula sa stage papunta sa kanyang upuan sa audience si Kathryn para sa kanilang special song number.

Sa audience nanood din ang ilang personalities gaya nina Vice Ganda, Melai and Jason Francisco, Director Olive Lamasan, Malou Santos at ABS-CBN President Charo Santos Concio. 

Backstage matapos ang concert, sinalubong natin para ma interview si Daniel na nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya.

"Hindi ko po makakalimutan ang mainit na suporta sa atin ngayon gabi maraming maraming salamat po alam nyo naman na ito ang paraan natin ng pasasalamat sa lahat kaya natin ito ginagawa."

Marami ang nagsabi na sa lahat ng major concerts ni Daniel, ito ang pinaka maganda at masayang performance.