• Home
  • Fresh Scoops
  • Carmina says she will allow her children to join showbiz full-time after they finish their studies.

Carmina Villaroel reacts on fans' request for a Darren Espanto-Cassy Legaspi love team

Carmina says she will allow her children to join showbiz full-time after they finish their studies.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/12/2015 08:04 PM
Carmina Villaroel reacts on fans' request for a Darren Espanto-Cassy Legaspi love team
061215-carmina_main.jpgKabado at pabiro ang mga sagot ni Carmina Villaroel kapag ang pagdadalaga at pagbibinata ng kanyang kambal na sina Cassy at Mavy ang napapag usapan. Normal nga naman ito sa mga nanay na ayaw pa mawalay sa kanila ang kanilang mga anak na kung pwede ay "baby" na lang nila palagi.

Open naman daw ang kambal sa kanya kapag may mga hinahangaan ito.

"Normal naman yan crush crush na ganyan ako rin dumaan sa ganyan. Open sila na nagsi share sa amin ni Zoren (Legaspi) kapag may crush sila wala naman problema doon."

Marami na rin ang followers ng kambal sa social media na lagi nagre request na tuluyan ng pasukin ng mga ito ang showbiz. Nagpaliwanag naman si Carmina tungkol dito.

"Excited sila kapag magpe perform sila sa ASAP maaga sila gumigising kapag may rehearsals pero sa ngayon hanggang doon na lang muna, guestings at endorsements kasi usapan namin talaga na mag-aral muna sila kapag finish na ang school at gusto pa rin nila pwede naman."

At ang dumadami rin ang members ng "CassRen" kung saan type ng fans na magka tambal sina Cassy at si Darren Espanto. Natutuwa dito si Carmina dahil di pa man nagkaka kilala ng personal sina Cassy at Darren, ay may followers na

"Alam naman nila na mga bata pa talaga sina Cassy at Darren, napaka bait at talented na bata ni Darren at nakilala ko na rin ang parents nya. Hindi pa sila personal na magkakilala ni Cassy and nakikita naman ni Cassy kapag may mga post ang followers nila natutuwa naman siya."

Sa ngayon, walang magagawa ang fans ni Cassy at Darren kundi ang maghintay at magdasal na sana magkasalubong na sina Cassy at Darren at maging magkaibigan na.