• Home
  • Fresh Scoops
  • Liza Soberano explained how her top became loose during her Your Face Sounds Familiar number

Boy Abunda praises Liza Soberano on how she handled wardrobe malfunction while performing

Liza Soberano explained how her top became loose during her Your Face Sounds Familiar number

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/12/2015 08:02 PM
Boy Abunda praises Liza Soberano on how she handled wardrobe malfunction while performing
061215-liza_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nagbigay ng komento ang hosts na sina Kris Aquino at Boy Abunda sa usap-usapang wardrobe malfunction na naganap habang nagpe-perform si Just the Way You Are star Liza Soberano para sa opening number ng Your Face Sounds Familiar Grand Finale.

Habang nagpe-perform si Liza kasama ang kanyang onscreen love team na si Enrique Gil, makikitang tinataas ni Liza ang kanyang panloob na damit. Naging trending topic rin ito sa Twitter.

Ayon kay Boy, bilib siya kay Liza dahil kung titingnan ang mukha nito hindi mo mahahalatang may nangyayari. Sa katunayan, hindi raw napansin ni Boy na nagkaroon ng wardrobe malfunction habang nagpe-perform si Liza.

Wala rin dapat sisihin sa nangyari dahil nilinaw naman ni Liza na ang suot niyang bandeau ang “medyo maluwag.” The show must go on sabi rin ng aktres kaya’t sinubukan niyang wag ipahalata ang nangyayari kaya’t pati ang ka love team na si Enrique Gil ay di napansin ito. Watch her interview HERE

Nagpasalamat rin si Boy sa director ng YFSF na si Johnny Manahan dahil tinulungan si Liza ng camera work. Umiiwas diumano ang camera kay Liza kapag inaayos nito ang damit niya.

Siguro raw, ayon kay Kris, flesh-colored ang tube na suot ni Liza kaya na-conscious ito nang maramdaman na loose ang kanyang bandeau. Nagkwento rin si Kris na bandeau bra rin ang suot niya on TV para hindi nakikita ang kanyang cleavage. Bumili raw siya ng 40 nito sa Thailand dahil wala na siyang nabibili nito sa Pilipinas.