• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino is excited for PBB737 because hosts Bianca Gonzalez and Toni Gonzaga will both be married by the time it airs

Bianca Gonzalez-Intal will know gender of her baby next week

Kris Aquino is excited for PBB737 because hosts Bianca Gonzalez and Toni Gonzaga will both be married by the time it airs

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/12/2015 08:03 PM
Bianca Gonzalez-Intal will know gender of her baby next week
061215-bianca_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nagkwento si Bianca Gonzalez-Intal tungkol sa kanyang pagbubuntis. Antukin diumano siya at laging pagod noong second and third month niya ng pagbubuntis. Pinaglihian din niya ang kanyang asawang si JC Intal dahil gusto niya ang amoy nito at gusto niya parati itong nakikita. Si JC naman daw ang nagke-crave sa kung anu-anong food.

Malalaman din ni Bianca at JC ang gender ng anak nila next week dahil sa ngayon ay four and half months pa lang ang baby nila. Pinangako rin niya sa mga hosts na sina Kris Aquino at Boy Abunda na sasabihin niya sa kanila ang gender ng baby.

Pinuri ni Kris si Bianca dahil sa ganda ng kutis nito. Ani Bianca, nag-break out din siya noong first month niya at nagkaroon siya ng skin ritual matapos nun. Bago ang programa, sinabihan din ni Kris si Bianca na wag mag-cross legs dahil may pamahiin na bawal ito sa mga buntis.

Papalapit na ang pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya kung saan ngayong 10th  season ay tatawagin itong Pinoy Big Brother 737. Ayon kay Bianca, “it’s a combination of personalities and twists at through the course of the season namin ire-reveal kung anu-ano ang mga yun.”

Simula next week magsisimula na ring ipakilala ang mga housemates at mangyayari daw yun exclusive sa Aquino and Abunda Tonight.

Excited naman si Kris sa season na ito dahil ito raw ang PBB na pareho nang misis si Bianca at co-host niya na si Toni Gonzaga.