• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli does not want to work with Sarah Geronimo for now.

Matteo Guidicelli reacts to Sarah Geronimo-Piolo Pascual kissing scene

Matteo Guidicelli does not want to work with Sarah Geronimo for now.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/11/2015 08:04 PM
Matteo Guidicelli reacts to Sarah Geronimo-Piolo Pascual kissing scene
061115-matteo_main.jpgSi KZ Tandingan at hindi ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo ang special guest ni Matteo Guidicelli sa Dreamboys concert nila nina JC de Vera at Daniel Matsunaga sa July 11 na gaganapin sa Music Museum. Daniel will be joined by girlfriend Erich Gonzales at si JC, may special someone din daw na kamasamang magpe-perform sa concert.
 
“Special guest ko si KZ Tandingan kasi she’s one of my favorite singers. Nu’ng narinig ko pa lang na kinanta niya sa X Factor yung ‘Somewhere Over The Rainbow,” alam ko na she’s going to win. Pinili ko si KZ dahil sobrang astig na musician siya. She’s Bisaya also and I feel we could collaborate nicely,” depensa agad ni Matteo.
 
Ayon pa sa binata, iniiwasan daw niya talaga na makatrabaho ang GF para walang masabi ang mga tao.

“I want to keep my work with Sarah different, we don’t want to involve each other kumbaga. I want to build my own career by myself, ‘di ba?”

Ibig bang sabihin, hindi na talaga posibleng makita sila ni Sarah in some projects?

“As of now wala po talaga dahil she has her own thing, she’s doing a movie with Piolo (Pascual), ako naman, I’m doing my own thing. Kumbaga, iba yung path namin, eh,” rason pa niya.
 
Naapektuhan ba siya ng isyu noon na ginagamit niya si Sarah para sumikat kaya umiiwas na sila ngayon to work together?
 
“Ah, hindi naman! At hindi rin ako affected dahil alam ko namang sasabihin nila yon talaga, we can’t please everybody. But you know, in my heart, I know that I’m not using her or I’m not doing anything like that. Kaya nga, as much as possible we want to keep it (work) separately, ‘di ba, and sana mas maging okey na ganyan,” he said.

May reaksyon din ang aktor na pumayag ng makipag-kissing scene ang GF kay Piolo sa ginagawa nitong pelikula.
 
“Hindi na ako nagulat about that, actually, naging masaya ako kasi parang she’s growing as a person and she’s growing as an artist and she wants to try different things, ‘di ba? kaya for me, okey lang yon. Whatever she wants to do for her craft, eh, ‘di go, ‘di ba? She can make her own decisions,” sey pa niya.

Natanong na rin namin ang reaksyon ni Matteo sa sinabi ni Sarah na handa na siyang magpakasal kapag 32 years old na siya.

“Di natin alam, eh,” gulat pero natatawa niyang pahayag. “Hindi ko po alam, I mean, I’m praying for the best, I’m wishing for the best but the first people that will know if ever I’m going to get married is my family, ‘di ba? I’m only 25 and  siyempre I have my dreams on when I want to get married pero sa akin muna ‘yon. Ayoko namang maudlot yon ‘di ba? Basta Sarah and I are doing very well, very strong right now and I’m just praying everything will go well,” pahayag ng singer-actor.