Sinabi rin ng host na si Kris Aquino na nakausap niya si Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal at sinabi nito na tuloy pa rin ang serye na Someone to Watch Over Me pero hindi na si Juday ang magiging bida rito. Ani Kris, “Juday is no longer taking part in it.” Desisyon diumano ni Juday na mas i-prioritize ang pagbubuntis niya lalo na’t pinakamaselang stage ng pregnancy ang first quarter. Dagdag ni Kris, “magkakaroon yata ng audition” para sa role ni Judy Ann.
Pinuna rin ni Kris ang mistulang baby boom ngayong taon dahil sa sabay-sabay na pagbubuntis nina Juday, Juris, Neri Naig, at Marian Rivera.