• Home
  • Fresh Scoops
  • MTRCB to closely monitor ‘Pangako Sa’Yo’ for three months

‘Pangako Sa’Yo’ says sorry for the use of ‘strong language’

MTRCB to closely monitor ‘Pangako Sa’Yo’ for three months

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/10/2015 08:03 PM
‘Pangako Sa’Yo’ says sorry for the use of ‘strong language’
061015-psy_main.jpgNag-issue ng apology ang ABS-CBN para sa May 29 episode ng Pangako Sa ’Yo kung saan, ayon sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), ito ay gumamit ng “vulgar language” patungkol sa sex at kababaihan.
 
Sa episode na tinutukoy, kausap ni Eduardo Buenavista ang kanyang ina na si Benita Bueanvista at pinaglalaban ni Eduardo ang pagmamahal niya kay Amor, isang mahirap na dalaga na nagbebenta ng mga nakabalot na pagkain sa opisina at kompanyang pag-aari ng mga Buenavista.

Tumutol si Eduardo matapos i-announce ni Benita ang engagement niya kay Claudia Salameda, anak ng isang politiko. Sinabi ni Eduardo na mahal niya si Amor. Balik naman sa kanya ni Benita ay, “kung pampalipas libog lang iyan, that’s okay! Go ahead!”

Sa sulat ng MTRCB sa ABS-CBN, sinabi nito na, “in regard to sex and the insinuation that it is okay to use a woman for the mere purpose of satisfying one's fleshy desires even if he is already engaged to another woman, [is] obviously meant for a mature audience.”

Dagdag pa ng MTRCB, ang ginamit lang na rating sa naturang episode ay PG (Parental Guidance), ngunit ang mas nararapat na rating ay SPG (Strong Parental Guidance.)

Pinatawag ng MTRCB ang executives ng ABS-CBN at ang mga representatives ng Pangako Sa ’Yo sa isang meeting noong June 9 para mas maging maingat ang programa sa pag-exercise ng “self-regulation at restraint.”
 
Nagbigay ng pahayag si MTRCB chair Eugenio Villareal matapos ang meeting at sinabi nito na inamin ng representatives ng Pangako Sa ’Yo na nagkaroon sila ng pagkakamali at humingi ito ng paumanhin.

Magpapasa ng resolution sa MTRCB ang programa sa June 17 kung saan idedetalye nila kung paano nila maiiwasan na maulit ang pagkakamali at sasailalim rin sa close monitoring ang naturang serye sa loob ng tatlong buwan.

Nag-issue rin ng public apology ang ABS-CBN: "ABS-CBN apologizes for the strong language used in the May 29 episode of 'Pangako Sa 'Yo.' We recognize our responsibility to our viewers and we will work closely with the MTRCB to prevent it from happening again."