• Home
  • Fresh Scoops
  • The actor is thankful for his fans unwavering support despite controversies he was involved in.

Xian Lim says KimXi is not competing with other love teams

The actor is thankful for his fans unwavering support despite controversies he was involved in.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/02/2015 01:27 AM
Xian Lim says KimXi is not competing with other love teams
060115-xian_main.jpgWagi ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim bilang Celebrity Pair of Year sa PEPsters Choice para sa kanilang pangalawang taon. Most voted stars din sina Kim and Xian dahil winner din ang dalawa bilang Female Fab Star of the Year and Male Fab Star of the year, respectively.

Tinanong namin si Xian kung ano ang masasabi niya na tinalo pa nila ni Kim ang KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla) love team sa pagkakapanalo nila ng Celebrity Pair, ang sagot niya ay hindi naman daw sila nakikipagkumpetensiya sa ibang loveteams lalo pa nga sa KathNiel.

“I guess, it’s the fans that really voted their hearts out talaga, ‘yung support nila is unconditional. I mean, hindi naman kami exclusive na para dito lang kami, it’s for everyone.

“So, hindi po kami nakikipag-compete and we’re just very happy to get this award,” paglilinaw agad ni Xian.

Kahit nagkaroon ng intriga noon sa kanya sa Bicol ay masuwerteng hindi talaga bumitaw ang kanyang fans.

“Actually, do’n ko nakita kung gaano sila katatag, kung gaano sila ka-solid dahil do’n mo talaga nakikita kung sino ang nag-i-stay, eh.  Do’n mo rin magi-gauge kung paano nga ba sila magre-react in that situation, ” pahayag ni Xian.

Isa pang natanong sa aktor ay kung ano ang naramdaman niya noong mga panahong nasusulat siya ng negatibo ng entertainment press kaugnay nga nitong Bicol controversy na kinasangkutan niya. Nagkaroon ba siya tampo sa press?

"Wala naman pong pagtatampo. As much as possible, para po sa akin, binabasa ko po lahat. Maski po masakit. To be honest, masakit po ‘yun, masakit makabasa nang hindi maganda. Pero at the same time, doon din po ako matututo as a person and as an artist.

“Kasi, kung ito ang mga sinasabi ng mga tao sa akin, maybe kailangan ding may pagbabago. Hindi naman po (pwedeng) ‘hayaan mo na’, you just have to learn from it,” paliwanag pa niya.