• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariel reveals she envies co-hosts Danica Sotto and LJ Moreno when they bring their kids to the set.

Mariel Rodriguez admits she and Robin Padilla are not yet trying to have a baby again

Mariel reveals she envies co-hosts Danica Sotto and LJ Moreno when they bring their kids to the set.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/01/2015 01:45 PM
Mariel Rodriguez admits she and Robin Padilla are not yet trying to have a baby again
060115-mariel_main.jpgPagkatapos ng unfortunate miscarriage ni Mariel Rodriguez sa supposedly first baby nila ng asawang si Robin Padilla ay halatang okey na ulit ang TV host. May dalawang shows siya sa TV5 (Happy Life, Happy Wife at Happy Truck ng Bayan) at halatang nalilibang siya sa trabaho.

“Okay na okay na ako ngayon. I’m good,” kuwento ng TV host.

 “Minsan, meron pa ring ano (lungkot), but because I’m really busy, so it’s good. Ito ‘yung time na masasabi natin na it’s good to be busy,” sabi pa niya.

Eh, what if bigla naman siyang mabuntis ngayon?

“Okay din  ‘yon… okay naman, but right now, we’re not really trying again,” pag-amin niya.

Hindi rin daw sila nagse-set ng date  kung kailan ulit siya magbubuntis dahil ayon sa kanya,  “medyo may traumatizing factor pa ako, eh.”

Nilinaw din ni Mariel ang isyu na hindi niya pinag-ingatan ang una niyang pagbubuntis kaya hindi ito natuloy.

 “Wala naman kasi ako talagang ginawa noon na major, eh. Ang daming nagsabi, kasi raw naghi-heels, ganu’n. Magpa-flats na lang ako,” pabiro niyang pahayag.

Kahit nagpipigil, hindi raw naman siya gumagamit ngayon ng contraceptives or birth control pills para hindi mabuntis.

“Hindi naman, hindi naman. Hindi lang kami nag-e-effort. Actually, it was only one month lang that I said that I wanted to get pregnant. Meron kasi akong app (application) to tell me kung saan ako nag-o-ovulate. So, normally, iniiwasan namin ‘yun pag ano, pag ganu’n,” kuwento niya.

Inamin din ni Mariel na naiinggit siya sa co-hosts niyang sina Danica Sotto-Pingris at LJ Moreno-Alapag sa Happy Life, Happy Wife na kasa-kasama ang mga anak kapag nagba-bonding.

 “Nakakainggit din. Tapos pine-play ko ‘yung mga anak nila, di ba? So, minsan, parang hindi mawawala ‘yung (feeling na) ‘ay, ang sarap,’ ganu’n. Nung nag-Hong Kong kami, kasama ‘yung mga anak nila, parang mas masaya. Pero darating din ‘yun,” sambit pa ng TV host.

Mainphoto credit to marieltpadilla IG