Arci Munoz says Kean Cipriano was her first boyfriend

The sexy actress also reveals her parents are strict.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

06/02/2015 01:29 AM
Arci Munoz says Kean Cipriano was her first boyfriend
060115-arci_main.jpgSa Gandang Gabi Vice, napahanga si Vice Ganda nang sabihin ni Pasion De Amor star Arci Munoz na sa University of the Philippines siya nag-aral ng College. Natawa si Arci sa reaksiyon ni Vice nang sabihin niya na sa UP siya nag-aral. Ayon kay Arci, hindi raw halata kasi “mukhang nganga” siya.

Nag-aaral daw at kasali sa isang school band ang aktres noong siya ay hindi pa artista. May banda pa rin hanggang ngayon si Arci na ang pangalan ay Philia.

Nasa pangatlong relationship na niya si Arci ngayon. 22 years old na si Arci nang magkaroon siya ng first boyfriend. Strict daw kasi ang parents ni Arci hanggang ngayon. Kwento ni Arci,  nakatira pa rin siya sa parents niya.

Hindi rin lahat gwapo ang mga naging boyfriends ni Arci at inamin niya na si Kean Cipriano ang una niyang naging boyfriend.

WATCH VIDEO HERE!