Angelia Ong from Manila wins Miss Philippines Earth 2015

Angelia was surprised by Zsa Zsa Padilla's question to her.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/02/2015 01:28 AM
Angelia Ong from Manila wins Miss Philippines Earth 2015
060115-angelia_main.jpgAng kandidata mula sa Manila na si Angelia Ong ang nanalo bilang 2015 Miss Philippines Earth na naganap kagabi sa MOA Arena. 

Simula pa lang ng pageant malakas na ang naging suporta para kay Angelia na naging runner up din sa katatapos lang na Miss Manila Pageant.

Graduating sa kursong Marketing si Angelia sa La Salle College of St Benilde at nagpasalamat siya sa kanyang mga professors na pinayagan siyang mag absent ng dalawang linggo para makapag concentrate sa pageant na kanyang sinalihan.

Kinakabahan pa si Angelia ng lapitan natin para sa kanyang unang interview bilang Miss PH Earth.

"Hindi pa po nag sink in sa akin ang lahat ng nangyari pero masayang masaya po ako at ako ang nanalo. Simula pa lang ng pagsali ko dito ipinagdasal ko na ako sana ang manalo at iyun nga ang nangyari."

Ang Divine Diva na si Zsazsa Padilla ang judge na natapat kay Angelia sa question and answer portion at naitanong sa kanya kung naniniwala ba siya sa same sex marriage. 

"Nagulat nga po ako sa naisagot ko sa question kasi ang pinaghandaan ko po ay questions tungkol sa environment natin. Pero  nag focus po ako sa love yun ang naging core ng sagot ko at kung nagmamahalan ang dalawang tao at gusto nila magpakasal theres nothing wrong about it."


Here's the complete list of Miss Philippines Earth 2015 winners :

Miss PH Earth - Angelia Ong, Manila
Miss PH Air - Chanel Thomas, San Antonio Nueva Ecija
Miss PH Water - Catherine Joy Marin, Bago City
Miss PH Fire - Carla Angela Valderrama, Siniloan 
Miss Eco Tourism - Jona Sweett, Iloilo City

Mainphoto credit to pageantsnews.com