Xian Lim admits Kim Chiu has all the qualities of an ideal girlfriend

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/08/2015 08:40 AM
Xian Lim admits Kim Chiu has all the qualities of an ideal girlfriend
050715-xian_main.jpgKung si Xian Lim ang Mr. Right ni Kim Chiu, itinuturing din ni Xian na si Kim ang kanyang Ms. Right.

“Sabi ko nga, parang naunahan niya ako. Sana gumawa na rin ako ng Ms. Right, ‘di ba? I think she is (Ms. Right). She has all the characteristics of an ideal girlfriend,” pasabog agad niyang pahayag sa Push.com.ph.

May effort din daw siya para ipakitang si Kim na nga ang Ms. Right sa kanya.
 
“Palagi kong pinapakita ang aking pagmamahal in all my efforts, siyempre may kasama na yung pagmamahal, parang walang laman pag walang pagmamahal. Dapat palaging meron,” kinikilig niyang pahayag.

Wala namang inamin si Xian kung kailan niya talaga pormal na liligawan ang ka-love team.
 
“Kasi ‘pag nagplano ka, baka naman maudlot, baka naman may mangyari na nakaka-disappoint lang, ‘di ba? Parang mas maganda na ano na lang...  bawat araw na lang ipakita mo yung pagmamahal.”

Hindi rin daw siya nati-threaten na may ibang manligaw kay Kim.

“Ah wala naman. Wala naman akong nararamdaman. Wala naman siyang nakuwento sa akin… If ever man na meron, siguro naman sasabihin niya sa akin, di ba? Grabe naman ‘yon,” reaksyon niya.

Any time soon ay magsisimula na siyang magsyuting ng pellikula sa Star Cinema kasama si Star For All Seasons Vilma Santos at Angel Locsin.

“Sila nag-start na, ako hindi pa. Ako siguro after pa ng mga ilang shooting days nila,” kuwento pa niya.


Ayon pa sa kanya, he is really looking forward na makatrabaho ang dalawa.
 
“Aside from working with them (Vilma and Angel), alam kong marami akong matututunang aral dito. Alam kong marami silang mabibigay sa aking advice o kung hindi man sila magbigay sa akin ng advice, makikita ko yung work habits nila, never ko pa silang nakatrabaho.”

Gagampanan ni Xian ang role ng anak ni Vilma sa Star Cinema movie na wala pang working title hanggang ngayon. Aware ang aktor na all-eyes ang kanyang detractors sa ipapakita niya sa pelikula.
 
“Naghahanda naman ako. Ready naman ako do’n. I mean, ano lang naman ako, eh... ready naman akong magpakita ng emosyon. Babasahin ko naman yung script. Aayusin ko naman ang trabaho ko,” sey pa niya.
 
Ang Vilma-Xian-Angel movie ay sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.