Regine Velasquez explains why she replies to bashers on social media

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/08/2015 08:41 AM
Regine Velasquez explains why she replies to bashers on social media
050715-regine_main.jpgSa media launch ng kanyang baging endorsement ng PLDT Landline Special Edition para sa Mother's Day, naka red dress na humarap sa showbiz media ang Song Bird na si Regine Velasquez.

Sa malapitan na interview natin kay Regine, ipinaliwanag niya ang kanyang side sa pagre-react na ginawa niya sa social media tungkol sa comments ng ilan sa kanyang followers.

"Freedom of expression yung pag post ng opinions at criticisms sa social media. And sa tingin ko, I also have the right to say my opinion to this whole thing, 'di ba ganun lang yun? If I say something that will make them upset because I did something like that, dapat wala sila sa social media. Kasi yun din ang sinasabi nila sa akin eh, na kung ma-a-upset lang ako sa social media, dapat wala akong account sa social media. 'Yun ang voice ko eh this is my account. Kayo nga you feel you have the right to criticize tapos ako hindi ko maipag tatanggol ang sarili ko, parang hindi fair 'di ba?"

Kalmado si Regine na sinasagot ang bawat tanong sa kanya. Sa issue naman ng pag turn down niya ng isang mother role sa isang teleserye, sinabi ni Regine na nag usap sila ng kanyang mother network at naintindihan naman siya nito sa kanyang reason kung bakit 'di niya ito tinanggap.

"Nama-market pa kasi ako ng kapatid ko as a concert artist na priority namin sa ngayon, kahit hindi na ako madalas mag-show sa ngayon. Sa TV kasi kapag gumanap ka ng isang role nag-stick yun sa viewers kaya hindi na muna kami tumuloy sa serye na yun at naintindihan naman ako ng network sa decision namin."

Sa mga followers ni Regine madalas nakikita sa kanyang Instagram account ang video post niya sa kanyang anak na si Nate. Dito naitanong kay Regine kung ipapasok na ba niya ito sa showbiz dahil cute at bibo ang bata para sa kanyang edad.

"Minsan minsan, sinasama ko siya (sa work), character talaga siya lalo na kapag nakita niya ang Instagram ko. Sa ngayon mas ok siguro kung i-enjoy niya muna ang kabataan niya. Personally ayoko rin sana ma expose siya kaagad sa age niya."

Dagdag pa ni Regine, sa mataas na expectations ng audience sa ngayon sa mga celebrities, masasaktan lang daw siya kapag pinasok ng kanyang anak na si Nate ang showbiz at makakatanggap ng negative na mga comments. Hindi pa daw siya handa para dito.