• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino says Erich Gonzales’s non-showbiz ex-boyfriend is happy for her.

Kris Aquino on Erich Gonzales and Daniel Matsunaga: ‘Walang overlap na naganap”

Kris Aquino says Erich Gonzales’s non-showbiz ex-boyfriend is happy for her.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/08/2015 11:44 PM
Kris Aquino on Erich Gonzales and Daniel Matsunaga: ‘Walang overlap na naganap”
050815-erich_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nagbigay ng pahayag si Kris Aquino tungkol sa closeness na namamagitan kala Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Sinabi ni Kris na a year ago ng unang magkasama si Erich at Daniel sa Palawan para sa Kris TV. Ayon kay Kris, “palpable ang chemistry (nila).” Noon daw nagsimulang tuksuhin ni Kris at ng kanyang anak na si Bimby Aquino-Yap ang dalawa. Sinabi rin ni Kris na si Bimby talaga ang naging “matchmaker.” 

Simula noon ay naging sunod-sunod na ang request for Dan-Rich episode sa Kris TV. Nakikipag-communicate diumano si Daniel kay Erich pero nilinaw ni Erich kay Daniel na may boyfriend siya. Close rin si Kris sa dalawa, kaya “sinabihan ko sila na ’wag kayong umapak on anybody.”

Matapos nito nagkasama pa si Erich at Daniel sa teleseryeng Two Wives at lalong nadevelop closeness ng dalawa. 

Nang mag-last taping diumano ang Kris TV sa restaurant ng non-showbiz ex-boyfriend ni Erich, tinanong ni Kris si Erich kung bakit hindi ito lumabas. Dito inamin ni Erich na, “hindi na kami Ate. Gusto ko lang matulungan ang mga negosyo niya dahil naging napakabuti niya sa akin.” 

Giit ni Kris, “walang overlap na naganap” at kumpleto ang respeto na ibinigay ni Daniel sa relationship ni Erich at ng kanyang ex-boyfriend. 

Pinuri rin ni Kris ang ex-boyfriend ni Erich. “He’s a nice guy talaga.” Dagdag ni Kris, sinabi rin ni ex-boyfriend sa friend nila ni Erich na, “maligaya na ako dahil alam kong maligaya naman siya.”

Parehong Born Again Christian si Erich at Daniel at nakakatulong daw na same faith sila. Naging mabuti rin ang family ni ex-boyfriend kay Erich pero ayon kay Kris, “iba ang lambing na ibinibigay ng Mama ni Daniel kay Erich.” Ito raw ay isang bagay na hinahanap ni Erich dahil malayo siya sa kanyang Nanay. 

Nang punahin ni Kris ang pag-post ni Erich sa social media ng mga pictures nila ni Daniel, (na taliwas sa dating Erich na hindi mahilig mag-share tungkol sa kanyang relationship), sinabi ni Erich kay Kris na, “Ito ang nararamdaman ko e, ayoko nang hindi i-share ang nararamdaman ko.”

Sinabi ni Kris na sa ngayon ang masasabi pa lang niya ay exclusively dating si Erich at Daniel at magaganap ang pag-amin ng dalawa kay Bimby sa Kris and Bimby Summer TV.

Bago matapos ang A&A, nagpadala ng text message si Erich kay Kris at sinabi nitong, ‘Hi ate. I’m taping in Baguio, Dan is with me watching. Thank u so much Ate Kris.”