Guwapong young actor, mahilig 'magrelax?'

BY
Ogie Diaz

FRESH SCOOPS

05/08/2015 03:35 PM
Guwapong young actor, mahilig 'magrelax?'
050815-ogie_main.jpgSad naman ako if true na ang guwapong young actor na kasalukuyang "pumapalo" ang career ay masyadong "nagrerelaks" ngayon.

Excited pala lagi ito kapag may free time. Talagang alam na niya kung saan siya pupunta sa gabi dahil gimmick moment niya yon. Pumupunta siya sa isang bar kung saan nandun ang iba pa niyang friends na chill lang nang chill.

Pero sana nga hindi totoo yung nakarating sa akin na automatic na yung pagdating niya sa bar ay nandun na rin ang supplier niya ng "E" as in "Ecstacy."

"Mama, adik sa E yan. Bigyan mo nga lang ng E yan, friends na kayo eh.

"Saka mahilig sa girls, Mama. Hindi naman din kasi sila nagkakagustuhan ng ka-love team niya eh kaya nakikipag-meet siya kung kani-kanino. Basta may presence lang ng E, ha?"

Naku, kung nababasa ito ni Bagets, payo lang: itigil na niya ang bisyong E. At sana lang talaga, wag lang ma-set up si Bagets. Or else, sira ang kanyang career.

Isa sa apat na letters ang initial ng name ng bagets na ito: E - I - J - D.