• Home
  • Fresh Scoops
  • The young star says there are more surprises in the show's final three weeks.

Liza Soberano: 'Forevermore changed my life'

The young star says there are more surprises in the show's final three weeks.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/07/2015 08:04 AM
Liza Soberano: 'Forevermore changed my life'
050615-lizqa_main.jpgHuling tatlong linggo na lang ang itatakbo ng istorya ng hit primetime series na Forevermore. Ngayon pa lang magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ni Liza Soberano na nakilala sa Forevermore sa kanyang role bilang Agnes. Ayon kay Liza, marami pang nakakagulat na eksena ang dapat abangan ng viewers.

"Syempre po dapat nila abangan kung magkakabalikan ba sina Agnes at Xander at ang pagpasok po ng bagong character ni miss Erich Gonzales abangan po nila if true love lasts forever"

Bottomless na pasasalamat at di makakalimutan ni Liza ang lahat ng blessings na naibigay sa kanya ng seryeng ito na nagpasikat sa kanya sa showbiz.

"Ang dami ko po natutunan sa Forevermore it changed my life I gained more friends and nakikilala na po ako ng mga tao at marami rin natutunan acting wise"

Nagbigay paumanhin din si Liza sa ngalan ng buong cast kung hindi matutuloy ang plano sana na magkaroon ng farewell concert ang buong cast ng serye, bastat tutukan pa rin ang nakaka kilig na mga eksena hanggang sa ending.

"Sa lahat ng mga nanonood ng Forevermore I just want to say thank you sa strong support nyo sa aming show from the beginning and sana hindi kayo magpapahuli sa last three weeks namin at tutukan nyo po ang mga mangyayari"