• Home
  • Fresh Scoops
  • Dessa reveals she has severe anemia that requires for her to get blood transfusion.

Singer Dessa needs ten bags of A+ blood for her transfusion

Dessa reveals she has severe anemia that requires for her to get blood transfusion.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/05/2015 11:12 AM
Singer Dessa needs ten bags of A+ blood for her transfusion
050515-dessa_main.jpgNandito muli sa Pilipinas ang singer at performer na si Dessa matapos ang 11 years na paninirahan sa Amerika kasama ang kanyang non-showbiz husband at dalawang anak. 

"Namiss ko po ito lalo na ang Pinoy audience. Nakakamiss yung kumakanta ka sa harap ng mga kababayan mo sa bansa mo. Mahirap i-please ang mga Pinoy pero kapag napahanga mo na sila wala nang tigil yan."

Unang reason ng pagbabalik ni Dessa ay ang paggunita ng unang taon ng kamatayan ng kanyang ama at pangalawa naman ang pagpapagamot niya sa kanyang sakit na anemia na kailangan niyang sumalilalim sa blood transfusion. Sampung bags ng A+ na dugo ang kailangan ni Dessa para dito.

"Kailangan na kailangan po para ma balanse ang red blood cellls sa katawan ko kasi po sa ngayon karamihan white dapat po kasi i-balanse yun so yun po ang kailangan ko."

Matagal na daw ito nararamdaman ni Dessa, madalas siyang hinihimatay lalo na sa mga araw na stressed siya at pagod pero di pa naman daw dumating sa pagkakataon na abutan siya at mag pass out habang nagpe-perform.

Sa ngayon nagpeperform si Dessa sa Midas Hotel sa Roxas Blvd all Mondays of May at humihingi ng tulong si Dessa na kailangan niya ng trabaho para makapagpagamot.

Sa kanyang gig, ipinakita ni Dessa na walang kupas ang kanyang boses at kinanta niya ang ilang birit songs na mainit na pinalakpakan ng kanyang audience na ang karamihan pa ay foreign tourist na instant na naging fan ni Dessa.

Sa mga interested mag donate ng dugo at inquiry for show bookings para kay Dessa, pwedeng tumawag sa kanyang kaibigan at business manager na si Chuck Gomez sa 09153587216.