• Home
  • Fresh Scoops
  • The actress says she and Bossing have been talking about marriage.

Pauleen Luna on wedding with Vic Sotto: 'In God’s perfect time mangyayari ‘yon'

The actress says she and Bossing have been talking about marriage.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/06/2015 03:15 AM
Pauleen Luna on wedding with Vic Sotto: 'In God’s perfect time mangyayari ‘yon'
050515-pauleen_main.jpgTatlo at kalahating taon na ang relasyon nina Pauleen Luna at Vic Sotto pero hindi nila minamadali ang isa’t isa na lumagay na sa tahimik o magpakasal. Ayon kay Pauleen, ayaw niyang ipilit ang isang bagay na alam niyang hindi pa panahon.

“Hindi naman kasi ako mapilit, I just take things as they are, hindi ko pinipilit yung sarili ko na magustuhan nila... I mean, alam mo yon, I just let things unfold. Pero so far, okay naman, one day at a time,” pahayag ni Pauleen sa PUSH.

“At saka ang time naman, hindi yan makapagsisinungaling, 'di ba? I mean, in time lalabas din naman kung ano talagag dapat ding mangyari. So ako, patient naman ako (sa paghihinay sa wedding) and wala naman akong ginagawang masama. So, I’m very confident naman na one day, magiging plantsadong-plantsado na ang lahat,” pagpapatuloy pa ng aktres.

Ipinagmalaki rin ni Pauleen na talagang imposible nang mabuwag ang relasyon nila ni Bossing Vic.
 
“Sobrang solid na ng relationship namin, three and a half  years na kami kaya parang unshakeable na yung relasyon namin,” say pa niya.

Kung si Pauleen ang masusunod, may gusto siyang date para sa kanilang wedding ni Vic. "Naku meron pero secret na lang yon. Meron talaga,” sabay tawa niya.
 
“Pero hindi naman yon yung parang deadline or something. Ha-ha-ha!” tawa ulit niya. “Napag-uusapan naman ang mga bagay-bagay,” patuuloy pa niya.

“Napag-uusapan naman namin ang tungkol don (kasal), hindi naman namin dinedenay yon, but nothing final, but we do talk about it,” kuwento pa niya.

Anong klaseng wedding ba ang gusto niya?
 
“I  don’t hope for the grandest things in life,” kaswal niyang pahayag. “Ako naman, eh, simple lang... Ang gusto ko lang ay mangyari siya (kasalan).
 
“Simple lang kasi kaming dalawa. We’re a very simple couple. I might say na hindi kami yung flashy, hindi talaga... Basta ang gusto ko lang ay mangyari siya. 
 
 
“Ipagdadasal natin yan. I’ve been praying for it at kahit siya, he has been praying for it also. So, in God’s perfect time, mangyayari ‘yon. We just believe in prayer, pero sa mga sign-sign na yan, hindi ako naniniwala, eh,” pahayag pa niya.

Hindi naman okey kay Pauleen ang idea na magkaroon muna sila ng anak ni Vic bago sila ikasal.
 
“No! Ayoko ng ganun,” diretso niyang pahayag.

Gusto ni Pauleen ng maraming anak pero ang biro namin sa kanya, sa tingin ba niya ay kakayanin pa yon ni Vic lalo na sa edad niya ngayon.
 
“’Yon na nga...,” medyo napapaisip niyang pahayag. “Ako kasi 27 na ako this month... Atat naman kayong magkaanak agad ako. Ha-ha-ha! Dadating tayo diyan... It’ll come, I beleive,” sabi pa niya.