• Home
  • Fresh Scoops
  • Pacman says Alex Ariza told Mayweather’s team about his right shoulder injury.

Pacquiao says Mayweather was punching and pulling on his injured shoulder

Pacman says Alex Ariza told Mayweather’s team about his right shoulder injury.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

05/06/2015 03:10 AM
Pacquiao says Mayweather was punching and pulling on his injured shoulder
050515-manny1_main.jpgSa TV Patrol, nakapanayam ni Dyan Castillejo si People’s Champ Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang bahay sa Los Angeles, California. Ibinalita ni Dyan kay Manny ang napanood niyang interview kay Floyd “Money” Mayweather sa ESPN. Ayon kay Dyan, tinanong si Mayweather tungkol sa panay na pag-iwas nito kay Manny at pag-backpedal. Sagot naman daw ni Mayweather ay business niya ang manalo at “a win is a win.”

Nagbigay ng reaksiyon si Pacman dito at sinabi niya na “hindi ganun ang pananaw ko.” Ayon sa People’s Champ, “kailangan ko ng satisfaction ng fans,” lalo na raw dahil malaki ang binayad ng fans para sa laban nila ni Mayweather na tinaguriang “Fight of the Century.” Dagdag ni Manny, gusto niya sana “todo-todo ang palitan” nila ni Mayweather.

Nang tanungin siya ni Dyan tungkol sa pag-iling ni Mayweather na animo’y hindi ito nasasaktan tuwing nagigitgit ito ni Manny sa corner at nasusuntok, sinabi ni Manny na nasasaktan si Mayweather pero “kunwari hindi nasaktan.”

Usap-usapan rin ang injury ni Manny sa right shoulder na nararamdaman na pala niya ilang linggo bago ang laban. Kwento ni Manny, naka-focus ang training niya sa right hook pero three weeks bago ang laban ay hindi na niya nagagamit ito dahil sa sumakit na ito. Pinahinga niya ang kanan niya at ang training niya simula noon ay puro kaliwa lang. 

Tinanong din ni Noli De Castro si Manny kung bakit hindi niya ipinaalam bago ang boxing match na may injury siya sa kanang balikat. Tanong daw kasi ito ng isang boxing analyst na nakausap ni TJ Manotoc tungkol sa Pacman-Mayweather fight. Paliwanag ni Pacman, sinabi nila yun three weeks before the fight. Ipinagpaalam diumano nila sa Las Vegas kung legal mag-inject ng pampa-numb at legal naman daw ito. Ngunit, pagpapatuloy ni Manny, “last minute” bago ang laban ay “hindi na pumayag ang commission” na iin-ject ang pampa-numb ng balikat ni Manny. May kasama pa raw siyang dalawang doctor mula sa Los Angeles. Pati raw ang tubig at vitamins ni Manny ay hindi na pinayagan sa loob ng dressing room. Ayon kay Manny, “parang harassment” ang nangyari.

Nang tanungin si Manny kung malaking bagay para sa fight kung nai-inject ang pampamanhid, sinabi niya na, “malaking bagay dahil anim na oras bago mawala ang epekto ng medisina” at sana raw ay naitodo niya ang kanan niya.

Sinabi rin diumano nang dating conditioning coach ni Manny na si Alex Ariza na gumagawa lang diumano ng alibi si Pacman dahil natalo ito. Sagot ni Pacman ay, “alam naman niya na iniinda ko na yan (right shoulder) noon pa.” Dagdag pa ng People’s Champ ay, “siya mismo ang nagsabi kung ano deperensiya ko kaya nalaman nila Mayweather yung injury ko.” 

Dagdag ni Manny, ang mga “escape sa training” na pinuna rin ni Ariza ay dahil na rin sa iniindang sakit niya sa balikat.

Tinanong rin ni Noli kung nasasaktan si Manny tuwing sinusuntok siya ni Mayweather sa kanang balikat. Ani Manny, “hindi lang yun, kapag nag-aakapan kami hinihila niya ang kanan ko. Tumatawa lang ako kasi alam niya ang masakit sa akin.”

Gusto pa kaya ni Manny na magkaroon sila ng rematch ni Mayweather? Hindi raw alam ni Manny kasi ang unang laban nila ay “mahirap ikasa.” Kung si Manny ang tatanungin ay gusto niya ng rematch pero naka-depende pa rin kay Mayweather ang desisyon.

Gusto kaya ni Manny magkaroon ng laban kahit hindi kay Mayweather? Ani Pacman, “gusto ko sa kanya lang.”

Sa tanong kung papayag si Manny na ma-operahan ang kanyang balikat, sinabi ni Manny na, “bukas ng hapon babalik kami para magpa-MRI, titingnan kung lumala ang punit.” Sa resulta daw ng MRI scan malalaman kung kailangan siyang operahan o hindi.

Balita rin ang paglaban ni Manny bilang Senador. Ayon kay Manny, sa ngayon pamilya muna ang iintindihin niya. “Hindi pa ako nag-announce, pahinga muna ako, spend time with my family.”