Matatandaang matagal ding napahinga ang puso ng komedyana. Pinili din naman kasi nitong i-prioritize ang nag-iisang anak na kailangang makatapos muna ito sa kolehiyo saka pa lang niya bibigyan ng katuwang ang puso niya.
"Pero sa akin po, okay lang namang magkadyowa si mama. It's about time!"
Maging ang anak ng komedyana ay gusto na ring magkaroon ng kapatid.
At yun nga ang pressure sa komedyana-- na sana ay mabuntis na siya pagkatapos ng "bakasyon" nila out-of-town.
Pati mga friends ng komedyana ay pinipilit siyang magpa-check-up na sa OB-gyne para masiguro kung ang reproductive system niya ay makaka-produce pa ng bata at pati kamo ovulation period niya ay "pinapakialaman" din.
"Huwag nga kayong pressure diyan! Basta bahala na kung may katuturan ang bahay-bata ko. Kung ipagkakaloob ni Lord eh di go!"
Ang importante naman doon ay super love din siya ng boypren nitong "imported."