• Home
  • Fresh Scoops
  • The actress is being rumored as the cause of Gerald and Maja Salvador's break up.

Gerald Anderson clears issue linking him to Janice De Belen

The actress is being rumored as the cause of Gerald and Maja Salvador's break up.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/05/2015 07:56 AM
Gerald Anderson clears issue linking him to Janice De Belen
050415-janice_main.jpgNaging mailap si Gerald Anderson sa media interviews lalo na kung ang topic ay ang detalye ng paghihiwalay nila ng ex girlfriend na si Maja Salvador. 

Nakausap natin si Gerald at sinabi niya na moving on na siya at inaayos na muli ang kanyang sarili mula sa natapos na relationship.

"Ewan ko kung napapansin nyo sa Instagram ko wala ako ginagawa kundi mag workout mag basketball ito yun tapos trabaho nagpapasaya ng tao sa Nathaniel ito na muna ang focus ko."

Aminado naman si Gerald na may respeto pa rin sila ni Maja sa isa't isa at dadating din ang panahon na magpapansinan sila muli.

"Hindi naman po biro ang pinagdaanan namin at nandyan pa rin naman po ang respeto namin sa isa't isa," sagot ni Gerald. 

Isa sa pinag usapan na anggulo ng paghihiwalay nila ni Maja ay ang nabigyang kulay na pagkakaibigan nila ni Janice De Belen. Nahihiya si Gerald at nasama sa personal niyang issue si Janice na malapit sa kanya. Naging close si Janice kay Gerald dahil sa seryeng Budoy. 

"Nakakahiya sa pamilya ni Ate Janice. Tinanong ko kung ok lang sila, nag-text nga ako sa kanya napaka walang kwenta naman niyan. Ayoko na pahabain pa basta sana tigilan na kasi nakakahiya rin sa ibang tao," giit ni Gerald. 

Mas pinili naman ni Janice na manahimik at huwag na lang mag comment pa tungkol sa issue.