• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara also shared how Patrick helped her win the million in 'Deal or No Deal.'

Ara Mina on rumors about her relationship with Mayor Patrick Meneses: 'Mas gusto kong manahimik para

Ara also shared how Patrick helped her win the million in 'Deal or No Deal.'

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/04/2015 02:09 PM
Ara Mina on rumors about her relationship with Mayor Patrick Meneses: 'Mas gusto kong manahimik para
050415-ara_main.jpgMas ginusto ni Ara Mina ang manahimik sa isyu ng diumano’y hiwalayan nila ni Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses. Hindi siya nagpapainterbyu sa press na gustong kumuha ng kanyang side at reaksyon sa isyu.
 
“Ganun siguro talaga kapag nanay ka na at may anak kang kailangang protektahan. Mas gugustuhin mong manahimik na lang at huwag magsalita,” sabi sa amin ni Ara.
 
“Mawawala din naman ang isyu. Matatapos din ‘yan. Hayaan na lang natin na mag-speculate sila. Bahala silang isipin kung anong gusto nilang isipin. Basta for now, ang priority ko ay si Mandy (Amanda Gabrielle). Mas gusto kong manahimik para sa anak ko,” sabi ulit niya.
 
Ayon pa sa aktres, tapos na siya sa punto na kailangang ipaliwanag ang kanyang side. “Hindi na ako dalaga. Nanay na ako. And somehow, mas may nararamdaman akong peace ngayon na hindi ako nagku-comment at nagsasalita sa isyu,” sey pa niya.
 
Naniniwala si Ara na kung anuman ang pinagdadaanan niya ngayon ay kayang-kaya niyang lampasan.
 
“Marami ng pagsubok ang dumating sa buhay ko at lahat ‘yon ay nalampasan ko… Alam kong hindi ako pababayaan ni Lord. And as a mother, mas strong ako ngayon kesa dati lalung-lalo na basta para kay Mandy,” katwiran pa ng aktres.
 
Sa mga post ni Ara sa kanyang Instagram account ay may mga larawan pa rin si Mandy habang karga-karga ni Mayor Patrick. Pero mas kapansin-pansin na mas maraming picture ang bata kasama ang Mommy Ara niya.
 
Hindi nagbigay ng comment tungkol dito si Ara except, “nagkikita naman silang mag-ama… wala namang nagbago do’n.”
 
Samantala, balik na ulit sa paggawa ng pelikula si Ara. May ginagawa siyang pelikula sa Viva Films na ang title ay Girlfriend for Hire kasama si Yassi Presman at Andre Paras. Katatapos din lang manalo ni Ara ng P1 million sa Kapamilya Deal or No Deal na ipinalabas nu’ng April 17.
 
“Si Pat ang nagsabi sa akin na briefcase No. 7 ang piliin ko. Kahit takot na takot na ako, kasi ang laki na rin ng offer, almost P300 thousand na, inilaban ko pa rin hanggang dulo yung hawak kong briefcase. Suwerte lang talaga na nando’n yung P1 million,” masaya niyang kuwento.