• Home
  • Fresh Scoops
  • Star studed at maaga nagsimula ang 2015 Star Magic Sports Fest na naganap sa La Salle Green Hills.

A star studded Star Magic Sports fest 2015

Star studed at maaga nagsimula ang 2015 Star Magic Sports Fest na naganap sa La Salle Green Hills.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/04/2015 08:36 PM
A star studded Star Magic Sports fest 2015
050415-starmagic_main.jpgStar studded at maaga nagsimula ang 2015 Star Magic Sports Fest na naganap sa La Salle Green Hills. Lagpas 120 na mga alagang personalidad ng Star Magic ang nag participate sa iba't ibang games na inihanda sa ika-anim nitong taon.

With the help of Sunlife, mala Olympics ang naging simula ng sports fest, pumasok sa stage si Piolo Pascual na may dalang torch at sinindihan ang flame na nag simbulo na simula na ng games.

Nahati ang lahat sa limang team na nagparada papasok ng La Salle gym.

Si Gerald Anderson ang nanguna sa oath of sportsmanship at si Joseph Marco naman ang nag lead ng opening prayer.

Para sa stars ng Star Magic, magandang experience ang ganitong activity para sa kanila, kuwento ni Piolo Pascual.

"Nakakatuwa na nakikita mo ang mga kasamahan natin sa Star Magic na nage-enjoy and being a good sport nagba-bonding and just hanging out."

Ang muling makasama sa basketball team at bonding kasama ang mga kapwa niya talents ang ni-look forward ni Gerald.

"Nagtitipon-tipon kaming Star Magic artists, ang Star Magic family, ayun bonding. Siyempre sa basketball ako ulit kasali like sa mga nakaraang taon."

Si Julia Barretto, humataw sa paglalaro ng volleyball, na paborito niyang sport kasama sina Kim Chiu, Ejay Falcon, Chocoleit at Xian Lim.

Sa swimming naman nag excel si Enchong Dee at siyang nanalo gaya ng inaasahan.

Magka-tandem sa badminton sina Piolo at Matteo Guidicelli, na kahit eliminated kaagad ay ok lang sa kanila.

Narito ang complete list ng mga awardees at nanalo sa Star Magic Sports Fest:  

Dodgeball: Orange Team (Kids); Blue Team (Teens)
Patintero: Orange Team (Kids); Maroon Team (Teens) 
Tug of War: Orange Team (Kids); Blue Team (Teens)
Sack Race: Orange Team (Kids); Maroon Team (Teens); Maroon Team (Adults)
One K Marathon: Maroon Team (Kids); Orange Team (Teens)
Swimming Relay: Evan Uy and Toots Malapad
Badminton (Men): Neil Coleta and PJ Endrinal (Yellow Team) 
Badminton (Women): Erich Gonzales and Toni Pizaro (Orange Team)
Badminton (Mixed): Dominic Roque and Kate Pepito (Blue Team)
Most Improved Players: Kathryn Bernardo and Jerome Ponce
Rookies of the Year: Erika Abello and Jon Lucas
Volleyball Awardees: Julia Barretto, Jerome Ponce, Joseph Marco, Chokoleit
MVP Volleyball: Julia Barretto and Joseph Marco 
Basketball Awardees: Yellow Team (Kids); Orange Team (Adult)
MVP Basketball: Zaijan Jaranilla (Kids); Daniel Padilla (Teens); Andrei Felix (Adult)
Best Male Athlete: Gerald Anderson

SPECIAL AWARDS
Mr. and Miss Sun vs Stars: Inigo Pascual and Sofia Andres 
Sportsmanship Award: Xian Lim and Kim Chiu
Early Bird Award: Yesha