• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice said it felt like a spirit possessed him when he exposed the real him on It's Showtime.

Vice Ganda admits he conquered his greatest fear

Vice said it felt like a spirit possessed him when he exposed the real him on It's Showtime.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/30/2015 06:06 PM
Vice Ganda admits he conquered his greatest fear
053015-viceganda_main.jpgKontrobersyal at treding na pinag usapan sa social media ang ginawa ni Vice Ganda noong huwebes sa Its Showtime na nagtanggal siya ng make up at wig sa harap ng live audience. Naganap ito sa segment na Advice Ganda kung saan pinatunayan ni Vice sa humihingi ng payo sa kanya na hindi nababase sa itsura ng tao ang mga bagay na magpapasaya sa kanya at mga bagay na kaya niyang gawin.

Sa unang pagkakataon nagsalita si Vice at ibinahagi ang kanyang narandaman sa pangyayaring iyon.

"Pagkatapos ng segment na yun nangingig ako pawis na pawis ako, pagod na pagod ako paglabas ko ng studio. Ang bagal ng lakad ko pero parang ang bilis ng pangyayari, parang may isang mabuting espiritu na sumanib sa akin para ipagawa ang bagay na yun na ang ganda ng resulta sa akin at sa napakaraming tao."

Nabanggit din ni Vice na mahilig siyang magpa pictorial sa beach at hilig niya ang tabing dagat para mag relax pero kapag nandito siya sa Pilipinas ay di niya ito magawa dahil sa takot na di siya matanggap ng mga tao kapag nakita na ang totoo niyang itsura. 

"Yan yung greatest fear ko dati. Di ako makapag swimming, natatakot ako sa mga mall shows baka may humablot ng wig ko. Ngayon wala nang fear kasi wala na akong tinatago. It's a very liberating esperience na nagawa ko yun para sa sarili ko."

Very liberating para kay Vice ang kanyang ginawa dahil ngayon wala na siyang itatago dahil alam na ng nakararami ang itsura niya kapag di siya nakaayos. Nakahinga na rin daw siya at natanggap ng nakararami ang itsura niya at sana daw ay maging inspirasyon ito para sa iba.